6/04/2011

NEWS FLASH[Vol.9]Impormasyon hinggil sa suporta para sa pansamantalang pagpapaayos ng bahay(住宅の応急修理)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
 [Vol.9]
■□----------□■
Impormasyon hinggil sa
suporta para sa
pansamantalang
pagpapaayos ng bahay
■□----------□■

Kung ipapaayos ang inyong bahay na nasira dahil sa Tohoku Earthquake,
maaari kayong makatanggap ng suportang pinasyal. Pansamantalang
pagpapaayos o temporary repair lamang ito.
Ang maaaring makatanggap ng suporta ay ang mga pamilyang walang
pambayad sa pansamantalang pagpapaayos. Ang maximum na suporta
ay 520,000 yen bawat pamilya. Ang maaaring ipaayos ay ang mga parte
lamang ng bahay na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay tulad ng
kuwartong tulugan, kusina o banyo.

Kailangan ding umayon sa itinakdang kondisyones tulad ng level ng
pagkasira ng bahay at sa kinikita ng pamilya para makatanggap ng
suporta.
*Hindi puwedeng mag-aplay sa pansamantalang pabahay o Kasetsujutaku
kapag nakatanggap kayo ng suportang pinasyal para dito.

Makipagkunsulta kayo sa tanggapan ng Local Government Unit para sa
karagdagang impormasyon tulad ng pag-aaplay, mga kinakailangang
isumite o kondisyon ng pagkasira.


■□----------□■