6/04/2011

NEWS FLASH[Vol.10]Impormasyon ukol sa pag-aaplay sa KASETSU JYUTAKU o pansamantalang pabahay(仮設住宅)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.10]
■□----------□■
Impormasyon ukol
sa pag-aaplay sa
KASETSU JYUTAKU
o pansamantalang
pabahay
■□----------□■

May mga lugar na nagsimula na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa
pansamantalang pabahay o "KASETSU JUTAKU" na ipapamahagi ng pamahalaan.
Makakapasok kayo sa pansamantalang pabahay kung kayo ay nawalan ng bahay
at hindi rin ninyo kayang umupa o magpatayo ng bagong bahay dahil walang pera.
Ang mga tanggapan para sa aplikasyon ay nasa evacuation o local government
unit.

Sa unang bahagi ng Agosto,inaasahang matatapos ang pagpapatayo ng kinakailangang
bilang ng KASETSU JYUTAKU.

■□----------□■