Showing posts with label SAGIP News Flash(携帯向け情報発信). Show all posts
Showing posts with label SAGIP News Flash(携帯向け情報発信). Show all posts

3/21/2012

NEWS FLASH[Vol.55](原発事故損害賠償)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.55]
■□----------□■
Kabayaran o Compensation
para sa Pinsala na may Kinalaman
sa Voluntary Evacuation, atbp.
■□----------□■

Bilang kompensasyon dahil sa pagsabog ng plantang nukleyar, ang TEPCO ay magbabayad ng walong lapad sa lahat ng residenteng naninirahan mula noong March 11 ng nakaraang taon, sa 23 munisipalidad ng Fukushima Prefecture, tulad ng Lungsod ng Fukushima, Nihonmatsu, Koriyama, Date, atbp,.

Para naman sa mga buntis o may anak na 18-taong gulang pababa, mula noong March 11 hanggang sa pagitan ng katapusan ng nakaraang taon, babayaran sila ng 40 lapad, at karagdagang 20 lapad para sa mga nagsilikas na buntis at mga bata ng mahigit isang araw, suma total na 60 lapad. At kung higit pa ang ginastos sa aktwal na paglikas, maaari itong madagdagan batay sa indibidwal na pagsisiyasat.

Magsisimula ang aplikasyon kapag ipinadala ang mga kailangang dokumento sa mga maaaring makatanggap batay sa data ng lokal na pamahalaan, mula March 5. Maaaring tumagal ng 3 linggo ang nasabing bayaran.

Para sa mga katanungan, tumawag sa 0120-993-724 (TEPCO Consultation Services for Financial Compensation)

■□----------□■

3/17/2012

NEWS FLASH[Vol.54]Libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal(病院での窓口負担免除)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.54]
■□----------□■
Libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal
■□----------□■
Magbibigay ng ekstensyon sa libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal para sa mga nasalanta ng Tohoku earthquake, tsunami at Fukushima nuclear powerplant accident. Para sa mga nakatira sa nasalantang lugar ng lindol at tsunami ay libre ang pagpapagamot sa alinmang pasilidad pang-medikal hanggang September.30.

Para sa mga nakatira sa nuclear evacuation zone naman ay hanggang sa February 28 ng 2013.
Ang mga umalis sa mga nasabing lugar at lumipat para lumikas pagkatapos ng sakuna ay makakatanggap din ng nasabing exemption.
 
■□----------□■

2/23/2012

NEWS FLASH[Vol.53]Homestay Program sa USA para sa mga Senior High School Students(高校生アメリカホームステイ研修)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.53]
■□----------□■
Homestay Program sa USA para sa mga Senior High School Students
■□----------□■
Mayroong homestay program para sa mga senior High school students na naapektuhan ng kalamidad sa Iwate, Miyagi at Fukushima.

Skedyu: Mula sa July 22 hanggang August 9 (19 araw)
Bayad:Libre ang lahat (Libre din ang Air Ticket papuntang USA)
Ang programang ito ay para sa 60 mag-aaral.
Maaring mag-apply mula February 3 hanggang March 16
Nilalaman ng Programa:Homestay, Pagdalaw sa Washington DC, Pag-aaral ng Ingles at iba pa.

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa
Japanese Assosication of Experiment in International Living
TEL:03-3261-3451 MAIL:info@eiljapan.org
■□----------□■

2/13/2012

NEWS FLASH[Vol.52]Camping para sa mga kabataan na nakatira sa Fukushima sa panahon ng spring vacation(春休みリフレッシュキャンプ)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.52]
■□----------□■
Camping para sa mga kabataan na nakatira sa Fukushima sa panahon ng spring vacation
■□----------□■
Binabalak ng iba't-ibang groupo ng volunteers ang camping program para sa mga batang taga-Fukushima. Kung kayo ay interesado, tumawag lamang sa nakasaad na numero sa lalong madaling panahon dahil mayroong programa na malapit na ang deadline ng aplikasyon.

1. Machida(TOKYO)
Petsa: March 28-April 2 (5 nights and 6 days)
Maaaring sumali ang bata at kanilang magulang. Ang bilang ng maaaring sumali ay hanggang 30 katao lamang.
Fee: 9,000 yen(Libre ang batang 2 anyos pababa)
Pamasahe: Libre
Organizer: Tsuchinoko Mothers
Para sa detalye, tumawag sa 090-3214-2086(Aki Takeuchi)

2. Kanagawa
Petsa: March 29-April 3 (5 nights and 6 days)
Maaaring sumali ang batang bagong silang at batang hanggang nasa junior highschool (Chugakusei). Ang bilang ng maaaring sumali ay hanggang 25 katao lamang.
Fee: Libre
Pamasahe: Libre lamang mula sa Koriyama station hanggang sa lugar ng camping area (Kayo ang dapat magbayad ng inyong pamasahe mula sa inyong bahay hanggang sa Koriyama station)
Organizer: Shinoba-land
Para sa detalye, tumawag sa 09077219189(Yasuko Sato)

3. Nakatsugawa (GIFU)
Petsa: March 14-March 22 (8 nights and 9 days)
Maaaring sumali ang bata at kanilang magulang na nakatira sa Fukushima at mga lugar na malapit doon. Bilang ng maaaring sumali ay hanggang 20 katao lamang. Maaari ding sumali ang buntis.
Fee: 10,000yen
Pamasahe: Hindi kailangang bayaran (Kayo ang dapat magbayad ng pamasahe mula sa inyong bahay hanggang sa Fukushima o Koriyama station)
Organizer: Tsunagaru Inochi Fukushima
Para sa detalye, tumawag sa 090-9897-2500(Hitoe Kimura)

4. Hokkaido, Miura-Hanto (KANAGAWA), NAGANO, Takayama (GIFU)
Petsa: March 25-March 31( HOKKAIDO)
           March 25-April 1 (Miura-hanto)
           March 29-April 3 (Takayama)
Fee: 30,000yen
Maaaring sumali ang mga batang nasa elemantarya at junior high school (Shogakusei at Chugakusei)
Pamasahe: Hindi kailangang bayaran (Kayo ang magbayad ng pamasahe mula sa inyong bahay hanggang sa Fukushima o Koriyama station)
Organiser: Program to Protect the Children of Fukushima
Para sa detalye, tumawag sa 011-643-3313(Program Officer)

5. Mt. Fuji
Petsa: March 30-April 2
Maaaring sumali ang mag-aaral sa elementarya at junior highschool (Shogakusei at Chugakusei) na nakatira sa Fukushima
Fee: Libre
Pamasahe: Kailangang bayaran
Organiser: Whole Earth Nature School
Para sa detalye, tumawag sa 0544-66-0152 (Whole Earth Nature School)

6. Gotenba (Mt. Fuji)
Petsa: March 24-April 1 (8 nights and 9 days)
Kung hindi kayo pwedeng sumali sa lahat ng araw, maaaring sumali ng ilang araw lamang.
Maaaring sumali ang pamilya na nakatira sa mga nasalantang lugar, pati na rin ang Fukushima. Ang bilang ng pamilya na maaring sumali ay hanggang 50 lamang.
Fee: Libre
Pamasahe: Maaring  makatanggap ng hanggang 10,000 yen pang-pamasahe, subalit kailangang magbayad ng kakulangan nito.
Organiser: YWCA
Para sa detalye, tumawag sa 0550-83-1133(YMCA)

7. Izu Hanto (SHIZUOKA)
Petsa: March 25-March 31 (6 nights and 7 days)
Maaaring sumali ang mag-aaral ng 4th grade ng elementarya pataas at kanilang magulang na nakatira sa Fukushima. Ang bilang ng maaaring sumali ay 12 lamang.
Fee: Libre
Pamasahe: Hindi kailangang magbyad
Organiser: Save Fukushima Children,Izu
Para sa detalye, tumawag sa 0557-51-1335(Tetsuko Abekawa)
■□----------□■

2/03/2012

NEWS FLASH[Vol.51]Pangkalahatang Konsultasyon Hinggil sa Pang-araw-araw na Pamumuhay (Fukushima City) 福島市での総合相談窓口


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.51]
■□----------□■
Pangkalahatang Konsultasyon Hinggil sa Pang-araw-araw na Pamumuhay (Fukushima City)
■□----------□■
Nagbibigay ang Fukushima City ng serbisyo para sa pangkalahatang konsultasyon hinggil sa mga apektado ng lindol upang maibalik ang dating pang-araw-araw na pamumuhay.

Oras: Weekdays 8:30am-5:00pm
Lugar: Fukushima City Office
Contact number: 024-525-3714(General consultation service)

P.S. - Kung mayroon po kayong nais malaman sa isang bagay o impormasyon, ipagbigay-alam ninyo sa amin at aming hahanapan ng mga impormasyon batay sa inyong pangangailangan.
■□----------□■

1/23/2012

NEWS FLASH[Vol.50]Pagtanggap ng mag-aaral ng Junior at Senior High School

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.50]
■□----------□■
Pagtanggap ng mag-aaral ng Junior at Senior High School

■□----------□■
Sa darating na tagsibol (spring), ang Hokusei Gakuen (sa Hokkaido) ay tatanggap ng mga mag-aaral na biktima ng mga nakaraang trahedya mula sa Tohoku, sa 4 na junior at senior high school, libreng matrikula at dormitoryo. Ito ay para sa mga mag-aaral na nagtapos na sa junior high school o nakatakdang magtapos ngayong darating na tagsibol. Maari ding makapasok sa junior high school na para sa mga kababaihan lamang. Bilang patakaran, kailangan ng risaishomeisho (disaster victim certificate), subalit maaari ding makapasok depende sa kalagayang pang-ekonomiya kahit wala ang naturang sertipiko. Maaari ding matanggap ang mga boluntaryong lumikas dahil sa nuclear accident.

Sumangguni sa, Tel.011-891-2731(Hokusei Gakuen)
■□----------□■

1/15/2012

Sagip News Flash - Vol. 49 Tulong pinansyal ng gobyerno para sa mga biktima 政府による被災世帯への経済支援一覧


■□----------□■
Tulong pinansyal ng gobyerno para sa mga biktima
■□----------□■
Ang mga nakasaad sa ibaba ay ang mga information ng tulong pinansyal para sa mga bikitima ng nakaraang sakuna. Ang mga suportang ito ay nagsimula pagkatapos na pagkatapos ng lindol. Nag-anunsyo kami para sa mga hindi pa nakakatanggap ng mga ito o mga nais makatanggap nito. Para sa pag-aaplay ng mga tulong pinansyal o utang, kailangan ng “Certification of disaster-victim/Sertipiko ng biktima ng kalamidad” (Risai-shomeisho).

1) "SEIKATSU SHIENKI" support money para sa mga biktima (Maaaring makatanngap nito ang mga biktima na nasiraan ng kanilang bahay)
Basic Fund o Batayang pondo
: Nasira ang buong bahay (1 milyon yen
: Nasira ang malaking bahagi ng buhay (0.5 milyon yen)
Additonal Fund
May pinagawa o bumili ng bahay: 2 milyon yen
Pag-aayos ng bahay: 1 milyon yen
Kung uupa ng bahay: 500,000 yen
Paral sa karagdagang detalye, magtanong sa city hall ng inyong lugar.

2) Karagdagang pondo (utang ayon sa paraan ng pagsasaayos ng bahay) *interest-free
a. Pansamantalang pondo para sa gastos ng pamumuhay - Hanggang 200,000 yen
b. SEIKATSU FUKKO SHIENKIN/ Life Reconstruction Support Money
(Maaaring mangutang ng pera para sa paglipat ng bahay, o panggastos sa pamumuhay)
- Temporarily Life expenses - Maaaring mangutang hanggang 200,000 yen
- Reconstruction Life Expenses (Ito ay para sa paglipat ng bahay o pambili ng mga kasangkapan, etc) - Maaaring mangutang hanggang 800,000 yen.
- Panggastos para sa muling pagpapatayo ng bahay - Maaaring mangutang hanggang 2.5milyon yen

Para sa karagdagang detalye, magtanong sa Shakai Fukushi Kyokai o Social Welfare Council sa inyong kugar.
■□----------□■

12/27/2011

NEWS FLASH[Vol. 48]Konsultasyon Ukol sa mga Problema sa Stress, Kalooban o DV(心の相談、DV相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 48]
■□----------□■
Konsultasyon Ukol sa
mga Problema sa Stress,
Kalooban o DV
■□----------□■
Maaari kayong kumonsulta ukol sa stress dahil sa sakuna, mga problema sa kalooban o DV.

Iwate Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa mga Stress sa Sakuna
019-629-9617(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Pag-aalaga ng Kalooban ng mga Babae -Hotline IWATE
(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-240-261(Araw-araw 10:00-17:00)(Toll-free)

Miyagi Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa Kalooban
0229-23-0302(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Konsultasyon ng Kalooban -Hotline MIYAGI(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-933-887(Mon-Fri 8:30-16:45)(Toll-free)

Sendai City
・Konsultasyon sa Telepono "Heart Line"
022-265-2229(Mon-Fri 10:00-12:00、13:00-16:00)
・Konsultasyon sa Telepono sa Gabi
022-217-2279(Araw-araw 18:00-22:00)

Fukushima Prefecture
・Konsultaryon ng Kalusugan sa Kalooban
0570-064-556(Mon-Fri 9:00-17:00)

Konsultasyon ng DV
0570-0-55210
Tawagan ninyo at kayo'y bibigyan ng mga impormasyon ng pinakamalapit na opisinang napili mula sa mga 900 lugar sa buong bansa para sa konsultasyon gamit ang automated voice ng 24 oras. Ikokonekta sa opisina na iyun ang inyong pagtawag kung inyong nanaisin.
■□----------□■

12/19/2011

NEWS FLASH[Vol.47]Tulong-Pinansyal Para sa Pansamantalang Paglipat (Fukushima Pref)(一時避難への助成:福島)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.47]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal Para sa Pansamantalang Paglipat (Fukushima Pref)
■□----------□■
 
Ang isang foundation na tinatawag na HIGASHI NIHON DAISHINSAI FUKKO SHIEN ZAIDAN (東日本大震災復興支援財団) ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang pansamantalang lumipat o lilipat sa labas ng Fukushima prefecture dahil sa epekto ng radiation at sa mga iba pang concern.

Ang mga pamilyang mabibigyan ng tulong-pinansyal ay ang mga may anak na nag-aaral sa kolehiyo at pababa, o nagdadalang-tao, na nakalipat na o lilipat palang sa labas ng nasabing prefecture sa pagitan ng mula ika-24 ng Agosto ng 2011 hanggang ika-10 ng Abril ng taong 2012.

Mabibigyan pa rin kahit mag-ina lamang ang lilipat o lilikas.

Maaaring mabigyan ng hanggang 20 lapad kada pamilya upang makatulong sa pamasahe, panggastos sa paglipat, deposit sa lilipatan na tinatawag na "SHIKIKIN" at "REIKIN."

Ang mga interesado sa tulong na ito ay maaaring mag-aplay muna sa naturang foundation bago ika-15 ng Enero, taong 2012. Pagkatapos lumipat tsaka pa lamang hihiling ng tulong-pinansyal, kasama ang pag-susumite ng mga resibo ng nasabing paglipat.

Maaari ding mag-aplay ang mga pamilyang hindi nabigyan ng certification of disaster-victim o "RISAI SHOMEISHO."

Para sa karagdagang impormasyon, makipagugnayan sa 0120-975-053 (Free Dial)

■□----------□■

12/07/2011

NEWS FLASH[Vol.46]Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet(コタツ、カーペットの配布)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.46]
■□----------□■
Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet
■□----------□■

Ang isang pribadong organizasyon ay magbibigay ng libreng kotatsu o
hot carpet para sa 5000 pamilyang naapektuhan ng March 11 disasters sa
Tohoku region. Ang mga gustong makatanggap nito ay
kailangang mag-apply at mag-fill-up ng application form, isulat ang
inyong pangalan, address, phone number at ang mga electric appliances
na naibigay sa inyo bilang relief goods. Iisa lamang ang maaaring
matanggap at kailangang pumili kung kotatsu o hot carpet ang nais
matanggap. Isama ang Risaishoumeisho (Disaster Victim Certificate) at
mag-apply sa pamamagitan ng koreo. Kahit hindi mapili sa 5000, may
ipamimigay na blanket para sa lahat ng aplikante. Maaring mag-download
ng application form sa sumusunod na
website.http://fumbaro.org/news/2011/12/5000.html
Ang application ay tatanggapin hanggang December 14, 2011.

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa 0570-06-4439
(Project Fumbaro Eastern Japan)
■□----------□■

11/30/2011

NEWS FLASH[Vol.45]Konsultasyon hinggil sa "loan" sa Rikuzen Takada, Ofunato, Kamaishi,Ishinomaki, Kesennuma at Iwaki(各地で債務問題の相談会)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.45]
■□----------□■
Konsultasyon hinggil sa "loan" sa Rikuzen Takada, Ofunato, Kamaishi,
Ishinomaki, Kesennuma at Iwaki
■□----------□■

Mayroon po ba kayong problema tungkol sa loan?" Tinangay ang bahay at
kotse pero may utang na kailangang bayaraan." "May loan pa sa bahay,
pero hindi na pwedeng tumira doon dahil sa radiation." Magkakaroon ng
konsultasyon sa iba't ibang lugar na nakasaad sa ibaba para sa mga
taong may problema sa loan.

Rikuzen Takada City Hall (Kailangan ng appointment. Tel:019-606-3622)
Dec5. Mon 10am-3pm
Dec19 Mon 10am-3pm

Ofunato City Hall (Kailangan ng appointment Tel: 019-606-3622)
Dec.14 Wed. 10am-3pm
Dec.28 Wed. 10am-3pm

Kamaishi Shohiseikatsu Center/ Kamaishi Consumer Life Center (Kailangan
ng appointment. Tel:019-606-3622)
Dec.6 Tue. 10am-3pm
Dec.20 Tue. 10am-3pm

Sa loob ng Ishinomaki City (Kailangan ng appointment. Tel:022-212-3025)
Dec.14 Wed. 10am-3pm
Dec21. Wed. 10am-3pm

Sa loob ng Kesennnuma City (Kailangan ng appointment. Tel:022-212-3025)
Dec.13 Tue 10am-3pm
Dec26. 10am-3pm

Iwaki-shi Shakai Fukushi Center/ Iwaki City Social Welfare
Center (Kailangan ng appointment. Tel: 024-526-0281)
Dec. 4 Sun 10am-4pm
Dec 21 Wed. 10 am-4 pm

■□----------□■

11/22/2011

NEWS FLASH[Vol.44]Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki(石巻での義援金配布:2回目)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.44]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki
■□----------□■
Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal
para sa mga sambahayan na nawalan ng bahay o nasiraan ng halos lahat
ng bahay o kalahating bahay. Subalit ang maaari lamang makatanggap
nito ay ang mga hindi nakatanggap noong Oktubre.
Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga sumusunod;

Petsa/Oras: November 27 - Mula 9:00 am. hanggang 2:00 pm.
Lugar: Ishinomaki Citizen Hall (Ishinomaki Shimin Kaikan)
Ang halaga na ipamimigay:
3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 kataong kasapi ng
pamilya, at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas.

Ang mga bagay na kailangang dalhin:
Risaishoumeisho (Certificate of Disaster Victim) para isumite o maari
rin ang kopya, ID at Inkan (personal seal)

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa Taiwan Buddist Funding Agency
Phone 03-3203-5651
■□----------□■

11/16/2011

NEWS FLASH[Vol.43]Libreng konsultasyon para sa compensation sa radiation accident sa Fukushima City(福島市での原発事故損害賠償に関する法律相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.43]
■□----------□■
Libreng konsultasyon para sa compensation sa radiation accident sa
Fukushima City
■□----------□■
Ang Fukushima City ay maglulunsad ng mga konsultasyon sa mga lugar na
nakasaad sa ibaba. Sasagutin ng mga abogado ang inyong mga katanungan
hinggil sa pag-aayos upang makatanggap ng compensation para sa mga
apektado ng radiation accident, at kailangan ng appointment sa lahat
ng konsultasyon. Wala pong bayad ang konsultasyon.

Schedule: Nov.25(Fri), Nov.30(Wed), Dec.7(Wed)
Lugar: Fukushima-Ken Kenpoku Chihou Koushinkyoku/ Fukushima Prefecture
Regional Development Bureau (sa loob ng Nakamachi Post Office Building).

Para sa detalye, tumawag lamang kayo sa tanggapan ng Fukushima
Prefecture para sa Compensation for Nuclear Damage, sa Tel.
024-523-1501 (araw-araw mula 8:30 hanggang 21:00)

Magkakaroon din ng libreng konsultasyon ang Fukushima Bar Association.
Iba ang schedule na nakasaad sa itaas. Ito ay gaganapin sa kanilang
opisina, sa Fukushimaken Bengoshi Kaikan.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang kayo sa tanggapin ng
Fukushima Bar Association sa Tel. Free Dial 0120-700-791 (Lunes
hanggang Biyernes, 10:00-16:00),

11/12/2011

NEWS FLASH [Vol.42]Libreng Konsultasyon sa Iwaki(いわき市にて原発事故被害の補償に関する法律相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.42]
■□----------□■
Libreng Konsultasyon sa Iwaki
■□----------□■
Magkakaroon ng libreng konsultasyon sa Iwaki City sa mga lugar na
nakasaad sa ibaba. Sasagutin ng abogado ang mga katanungan hinggil sa
pag-aayos upang makatanggap ng compensation para sa mga apektado ng
radiation accident. Ang oras ng konsultasyon ay mula 1:30pm hanggang
3:30 pm at kailangan ng appointment sa lahat ng konsultasyon.

CHUOU KOMINKAN/ Central Community Center:
Nov.30 (Wed), Dec.5 (Mon), Dec.12 (Mon)

IINO KOMINKAN / Iino Community Center: Nov.18 (Fri)
YOSHIMA KOMINKAN / Yoshima Community Center: Nov. 25 (Fri)

Para sa detalye, tumawag lamang kayo sa tanggapan ng Fukushima
Prefecture para sa Compensation for Nuclear Damage sa numerong:
024-523-1501
■□----------□■

11/06/2011

NEWS FLASH[Vol.41]Pagbibigay ng GIENKIN Donation Para sa mga Nagsilang(妊産婦への義援金)


■□----------□■
SAGIP NEWS FLASH
[Vol.41]
■□----------□■
Pagbibigay ng
GIENKIN Donation
Para sa mga Nagsilang
■□----------□■

Nagpahayag ang Japanese Organization for International Cooperation in Family Planning (JOICFP) na ito ay magbibigay ng GIENKIN donation ng halagang 50,000 yen sa mga nanganak mula Marso hanggang Disyembre ng taong kasaukuyan. Dapat ay nasa Iwate, Miyagi o Fukushima ang kanilang residence registry noong panahon ng kalamidad o pinsala.

Kailangang mag-fill-up ng aplikasyon, na maaaring makuha sa JOICFP website o magpadala ng fax (03-3235-9776) upang humingi ng aplikasyon at pagkatapos nito ay ipadala sa JOICFPkasama ang 1) certification of disaster-victim, 2) residence certificate o alien registration certificate at 3) photocopy ng pahina ng proof of birth registration sa BOSHITECHO o maternity health record book. Ang aplikasyon ay tatanggapin hanggang Pebrero 29, 2012.
 
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa JOICFP:
Tel: 03-3268-3172 E-mail: kesho@joicfp.or.jp

■□----------□■

10/29/2011

NEWS FLASH[Vol.40]Tulungan ang Tohoku! Libreng Palabas ng mga Bading (gay)sa Minamisanriku(無料ニューハーフショー:南三陸)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.40]
■□----------□■
Tulungan ang Tohoku! Libreng Palabas ng mga Bading (gay)sa Minamisanriku
■□----------□■

Ang isang samahan ng mga bading sa Hokkaido ay magsasagawa ng palabas
para magbigay ng kasiyahan sa mga nasalanta sa Minamisanriku. Libre
ang entrance, pati mga inumin tulad ng beer, juice, shochu o whisky.
Mayroon din pong pa-raffle.

Schedule: Oct.30 6:30pm ang pagbubukas ng venue at 8:00pm naman ang
pagsisimula ng palabas.
Lugar: Hotel KANYO, Minamisanriku

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa nasabing hotel.
Phone 0226-46-2442
■□----------□■

10/28/2011

NEWS FLASH[Vol.39]Mamimigay ng damit pang-taglamig sa Iwaki City(冬物衣料の配布:いわき市))

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.39]
■□----------□■
Mamimigay ng damit pang-taglamig sa Iwaki City
■□----------□■
Mayroong ipamimigay na (nagamit na) damit o used clothes pang-taglamig
para sa mga biktima ng nakaraang kalamidad sa apat na lugar ng
Iwaki-City, Fukushima Prefecture

Petsa at Oras:

Oct.29 (Sat) Mula sa 1:00pm hanggang 4:00pm
Oct.30 (Sun) Mula sa 10:00am hanggang 3:00pm

Lugar :

Cleanup Inoue Kinen Gynmasium
Kodama Memorial Auditorium, Iwaki Meisei University
Iwaki Human Resources Development Promotion Center
Nakoso Civic Center

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Iwaki City Hall,
sa Tel. No.(0246-24-7111).
■□----------□■

10/25/2011

NEWS FLASH[Vol.38]Konsultasyon ng lokal na pamamahalaan sa Kamaishi(総合行政相談:釜石)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.38]
■□----------□■
Konsultasyon ng lokal na pamamahalaan sa Kamaishi
■□----------□■
Sa Kamaishi City ay magkaroon ng konsultasyon para sa mga nasalanta
noong nakaraang sakuna. Ang iba't ibang ahensya ng lokal na
pamamahalaan ay sasagot sa inyong mga katanungan, tulad ng Iwate
Prefectural Reconstruction Department, Labor Department,Transport
Bureau, Housing Finance Agency, atbp. Libre ang konsultasyong ito.

Petsa at oras: Nov. 8. (Martes) Mula 10am hanggang 3pm
Lugar: KAMAISHI SHIMIN TAIKUKAN /Kamaishi City Gymnasium
Para sa detalye, tumawag lamang sa IWATE GYOSEI HYOKA JIMUSYO/ Iwate
district Administrative Evaluation Office na may numerong
019-622-3470.
■□----------□■

10/19/2011

NEWS FLASH[Vol.37]Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Kesennuma at Ofunato(気仙沼・大船渡での見舞金配布)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.37]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Kesennuma at Ofunato
■□----------□■

Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal
para sa mga sambahayan sa Kesennuma at Ofunato na nawalan ng bahay o
nasiraan ng halos lahat ng bahay o kalahating bahay. Ang mga puwedeng
mag-aplay dito ay ang mga hindi pa nakatanggap ng tulong-pinansyal
galing sa nasabing agency.

Ang halaga na ipamimigay:
3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 katong kasapi ng pamilya,
at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas.

Ang mga bagay na kailangang dalhin:
Risaishoumeisyo (Certificate of Disaster Victim) o maari rin ang
kopya, ID at Inkan (personal seal)

Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga susunod:

Kesennuma
Oct.23 Mula 9:00am hanggang 3:00pm - One Ten Community Center

Ofunato
Oct.24 Mula 9:00am hanggang 2:00pm - Rias Hall

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Taiwan Buddhist
Funding Agency
Phone 03-3203-5651

■□----------□■

10/18/2011

NEWS FLASH[Vol.36]Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki(見舞金給付、石巻)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.36]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki
■□----------□■
Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal para sa mga sambahayan na nawalan ng bahay o nasiraan ng halos lahat ng bahay o kalahating bahay.

Ang halaga na ipamimigay:
3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 kataong kasapi ng pamilya, at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas.

Ang mga bagay na kailangang dalhin:
Risaishoumeisho (Certificate of Disaster Victim) para isumite o maari rin ang kopya, ID at Inkan (personal seal)

Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga sumusunod.

Oras ng reception: Mula 9:00am hanggang 4:00pm
Ishinomaki, Sumiyoshi, Tashiro, Hebita, Inai areaOct.20, 21, 22 & 23 - Shiminkaikan (Citizen Hall)