Showing posts with label Miyagi(宮城). Show all posts
Showing posts with label Miyagi(宮城). Show all posts

3/17/2012

NEWS FLASH[Vol.54]Libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal(病院での窓口負担免除)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.54]
■□----------□■
Libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal
■□----------□■
Magbibigay ng ekstensyon sa libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal para sa mga nasalanta ng Tohoku earthquake, tsunami at Fukushima nuclear powerplant accident. Para sa mga nakatira sa nasalantang lugar ng lindol at tsunami ay libre ang pagpapagamot sa alinmang pasilidad pang-medikal hanggang September.30.

Para sa mga nakatira sa nuclear evacuation zone naman ay hanggang sa February 28 ng 2013.
Ang mga umalis sa mga nasabing lugar at lumipat para lumikas pagkatapos ng sakuna ay makakatanggap din ng nasabing exemption.
 
■□----------□■

1/23/2012

NEWS FLASH[Vol.50]Pagtanggap ng mag-aaral ng Junior at Senior High School

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.50]
■□----------□■
Pagtanggap ng mag-aaral ng Junior at Senior High School

■□----------□■
Sa darating na tagsibol (spring), ang Hokusei Gakuen (sa Hokkaido) ay tatanggap ng mga mag-aaral na biktima ng mga nakaraang trahedya mula sa Tohoku, sa 4 na junior at senior high school, libreng matrikula at dormitoryo. Ito ay para sa mga mag-aaral na nagtapos na sa junior high school o nakatakdang magtapos ngayong darating na tagsibol. Maari ding makapasok sa junior high school na para sa mga kababaihan lamang. Bilang patakaran, kailangan ng risaishomeisho (disaster victim certificate), subalit maaari ding makapasok depende sa kalagayang pang-ekonomiya kahit wala ang naturang sertipiko. Maaari ding matanggap ang mga boluntaryong lumikas dahil sa nuclear accident.

Sumangguni sa, Tel.011-891-2731(Hokusei Gakuen)
■□----------□■

1/15/2012

Sagip News Flash - Vol. 49 Tulong pinansyal ng gobyerno para sa mga biktima 政府による被災世帯への経済支援一覧


■□----------□■
Tulong pinansyal ng gobyerno para sa mga biktima
■□----------□■
Ang mga nakasaad sa ibaba ay ang mga information ng tulong pinansyal para sa mga bikitima ng nakaraang sakuna. Ang mga suportang ito ay nagsimula pagkatapos na pagkatapos ng lindol. Nag-anunsyo kami para sa mga hindi pa nakakatanggap ng mga ito o mga nais makatanggap nito. Para sa pag-aaplay ng mga tulong pinansyal o utang, kailangan ng “Certification of disaster-victim/Sertipiko ng biktima ng kalamidad” (Risai-shomeisho).

1) "SEIKATSU SHIENKI" support money para sa mga biktima (Maaaring makatanngap nito ang mga biktima na nasiraan ng kanilang bahay)
Basic Fund o Batayang pondo
: Nasira ang buong bahay (1 milyon yen
: Nasira ang malaking bahagi ng buhay (0.5 milyon yen)
Additonal Fund
May pinagawa o bumili ng bahay: 2 milyon yen
Pag-aayos ng bahay: 1 milyon yen
Kung uupa ng bahay: 500,000 yen
Paral sa karagdagang detalye, magtanong sa city hall ng inyong lugar.

2) Karagdagang pondo (utang ayon sa paraan ng pagsasaayos ng bahay) *interest-free
a. Pansamantalang pondo para sa gastos ng pamumuhay - Hanggang 200,000 yen
b. SEIKATSU FUKKO SHIENKIN/ Life Reconstruction Support Money
(Maaaring mangutang ng pera para sa paglipat ng bahay, o panggastos sa pamumuhay)
- Temporarily Life expenses - Maaaring mangutang hanggang 200,000 yen
- Reconstruction Life Expenses (Ito ay para sa paglipat ng bahay o pambili ng mga kasangkapan, etc) - Maaaring mangutang hanggang 800,000 yen.
- Panggastos para sa muling pagpapatayo ng bahay - Maaaring mangutang hanggang 2.5milyon yen

Para sa karagdagang detalye, magtanong sa Shakai Fukushi Kyokai o Social Welfare Council sa inyong kugar.
■□----------□■

12/27/2011

NEWS FLASH[Vol. 48]Konsultasyon Ukol sa mga Problema sa Stress, Kalooban o DV(心の相談、DV相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 48]
■□----------□■
Konsultasyon Ukol sa
mga Problema sa Stress,
Kalooban o DV
■□----------□■
Maaari kayong kumonsulta ukol sa stress dahil sa sakuna, mga problema sa kalooban o DV.

Iwate Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa mga Stress sa Sakuna
019-629-9617(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Pag-aalaga ng Kalooban ng mga Babae -Hotline IWATE
(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-240-261(Araw-araw 10:00-17:00)(Toll-free)

Miyagi Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa Kalooban
0229-23-0302(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Konsultasyon ng Kalooban -Hotline MIYAGI(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-933-887(Mon-Fri 8:30-16:45)(Toll-free)

Sendai City
・Konsultasyon sa Telepono "Heart Line"
022-265-2229(Mon-Fri 10:00-12:00、13:00-16:00)
・Konsultasyon sa Telepono sa Gabi
022-217-2279(Araw-araw 18:00-22:00)

Fukushima Prefecture
・Konsultaryon ng Kalusugan sa Kalooban
0570-064-556(Mon-Fri 9:00-17:00)

Konsultasyon ng DV
0570-0-55210
Tawagan ninyo at kayo'y bibigyan ng mga impormasyon ng pinakamalapit na opisinang napili mula sa mga 900 lugar sa buong bansa para sa konsultasyon gamit ang automated voice ng 24 oras. Ikokonekta sa opisina na iyun ang inyong pagtawag kung inyong nanaisin.
■□----------□■

12/07/2011

NEWS FLASH[Vol.46]Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet(コタツ、カーペットの配布)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.46]
■□----------□■
Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet
■□----------□■

Ang isang pribadong organizasyon ay magbibigay ng libreng kotatsu o
hot carpet para sa 5000 pamilyang naapektuhan ng March 11 disasters sa
Tohoku region. Ang mga gustong makatanggap nito ay
kailangang mag-apply at mag-fill-up ng application form, isulat ang
inyong pangalan, address, phone number at ang mga electric appliances
na naibigay sa inyo bilang relief goods. Iisa lamang ang maaaring
matanggap at kailangang pumili kung kotatsu o hot carpet ang nais
matanggap. Isama ang Risaishoumeisho (Disaster Victim Certificate) at
mag-apply sa pamamagitan ng koreo. Kahit hindi mapili sa 5000, may
ipamimigay na blanket para sa lahat ng aplikante. Maaring mag-download
ng application form sa sumusunod na
website.http://fumbaro.org/news/2011/12/5000.html
Ang application ay tatanggapin hanggang December 14, 2011.

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa 0570-06-4439
(Project Fumbaro Eastern Japan)
■□----------□■

9/20/2011

NEWS FLASH[Vol.29]Filipino Consultation Towards Restoration(被災地フィリピン人生活復興会議)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.29]
■□----------□■
Filipino Consultation Towards Restoration
■□----------□■

Ang SAGIP Migrante-Japan ay malugod kayong inaanyayahan sa gaganaping
konsultasyon ng mga Pilipino hinggil sa pangyayari ng nakaraang
kalamidad sa Tohoku Region. Ito po ay gaganapin sa September 24
(10:00am-4:30pm) sa Furumachi Goku Jichi Kaikan (malapit sa Kesennuma
Station). Maaari po nating iparating ang ating mga problema at hinaing
sa representante ng pamahalaan mula sa prefectural office, malaman ang
plano ng local government sa usapin ng pamumuhay, trabaho, tirahan,
atbp. Pagkakataon din nating malaman ang mga programa ng mga NGO na
maaaring makatulong sa atin, at makahalubilo ang mga kababayan nating
galing sa ibang rehiyon dito sa Japan.

Para po sa detalye, makipag-ugnayan o tumawag sa 090-9224-0922 o kaya
kay Rachelle Takahashi ng Kesennuma 090-7932-3741.

Maraming salamat po, at magkita-kita po tayo.

■□----------□■

9/02/2011

SAGIP NEWS FLASH [Vol.25]Babayaran ng pamahalaan ang sweldo na hindi pa nababayaran(未払賃金の立替)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.25]
■□----------□■
Babayaran ng pamahalaan ang sweldo na hindi pa nababayaran
■□----------□■

Kung ang inyong kompanya na pinagtatrabahuhan ay nagsara o napinsala
ng nakaraang sakuna at hindi natanggap ang inyong suweldo, maaaring
bayaran ng pamahalaang Hapon ang bahagi ng suweldong hindi natanggap.
Maaari kayong mag-apply nito sa loob ng anim na buwan mula sa
pagkawala ng trabaho. Halimbawa, nawalan ng trabaho noong ika-11 ng
Marso, maaari kayong mag-apply nito hanggang sa ika-12 ng Septyembre.