United Filipino Community in Higashiura
一日も早く復旧出来るように祈ってます、皆さん頑張ってください。"ichinichi mo hayaku fukkyou dekiru youni inottemasu,minna san ganbatte kudasai" MAY GOD BLESS YOU ALL!
Philippine Society In Japan – Nagoya
Sa ating mga kababayan na nasalanta sa Eastern Japan, kami sa PSJ ay nakikiramay sa inyong dalamhati. Sabi nga nila kung may pagsubok na katulad nito na dumarating sa bawat tao, ito ay sa kadahilanag KAYA natin itong malampasan. Dangat nga lamang na maraming iba’t-ibang problema ang ating kakaharapin. Ang tibay ng loob at pag-iisip ang ating paibabawin upang ito ay ating malutas at tayo ay muling humarap para sa pagsulong ng ating buhay.
Hindi lamang ang PSJ ang nakiki dalamhati sa inyo bagkus lahat ng Pilipino dito sa loob at labas ng bansang Hapon kaya huwag kayong mawawalan ng pag-asa. MAY BUKAS, ang bawat araw na tumatakbo.
Dahil sa ating kinamulatan bilang isang Pilipino, sa isip, salita at sa gawa, asahan ninyo na kasama ninyo kami sa mga panalangin ninyo na sana ay magkaroon na ng ningning at liwanag ang BUKAS na ating inaasam. Para sa inyong lahat, ang aming panalangin na bigyan pa kayo ng likas na tibay!
Shirley Balinang Kakikazawa
Tsuruga-shi, Fukui-ken
Sa mga kabayang naapektuhan ng sakuna, kami’y nkiramay sa inyo. And kaming mga kabayan ntin na handing mulong sa inyo sa abot ng aming makaya. Huwag kayong mawalan ng pag-asa...Goodluck!!! n God Bless all....
Sanada Elizabeth
Gifu-ken
Para po sa ating mga kababayan sa Tohoku Region, Ako po, si Sanada Elizabeth, Tanaka Louise, staff at mga empleyado ng Nishikawa Sangyo Gifuken Kanishi Dota, ay nagpapaabot sa inyo sa pamamagitan ng SAGIP MIGRANTE JAPAN, na nandirito lamang kami para makatulong hindi lamang sa praktikal na bagay kundi sa DASAL sa POONG MAYKAPAL na si HESUS. Huwag lang po tayong bibitiw sa kanya. Siya po ang ating gabay saan man tayo naroroon, bawat isa sa atin ay huwag mawalan ng pag asa. God Bless To All...
Missionary Choir KakamigaharaNaka, Kakamigahara, Gifu-ken
Sa mga nagdaang araw, alam naming labis-labis na paghihirap at lungkot ang inyong naranasan dahil sa hindi inaasahang kalamidad ng lindol at tsunami na sumalanta sa inyong lugar. Sa bawat iyak ng mga batang walang muwang, na sa murang edad ay naranasan na ang gutom, lamig, pagod at di komportableng tirahan, sa mga matatandang maysakit na nasa dapithapon na ng kanilang buhay, na dapat sana ay naaalagaan at kapiling ng kani-kanilang pamilya, ay nakaranas din ng paghihirap at takot. Kinukurot ang aming abang puso sa tuwinang maaalala namin ang mga taong naapektuhan nitong kalamidad lalung-lalo na ang aming mga kababayang Pilipino. Malayo man kayo sa amin ay di namin kayo nakakalimutang isama lagi sa aming mga panalangin. Tayong mga Pilipino ay likas na MATIISIN, MATATAG, at nakakatagal sa anumang hampas ng pagsubok. Ang tibay ng loob ng bawat isa ang magbubuklod na tayo ay Pilipino, buo ang loob, di nawawalan ng pag-asa at BABANGON MULI! kundi man ngayon... PAGDATING NG PANAHON.
Maraming salamat sa PSJ na tumulong sa amin upang maiparating sa inyo ang aming mensahe. Ligaya na namin na sana sa pagbasa ninyo ng mensaheng ito ay nasa mabuti kayong kalagayan at nakakaraos sa inyong pang araw-araw na gawain. Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Diyos!
Virgie Ishihara
Filipino Migrants Center – Nagoya
Mainit na pagbati mula sa Filipino Migrants Center (FMC) Nagoya. Kami ay nagpupugay sa inyong lakas ng loob na humarap sa trahedyang inyong dinaranas. Asahan ninyong kaisa at kaagapay ninyo kami sa inyong pagbangong muli.
Mabuhay ang mga kapatid sa Tohoku Region.
Thelma Argal
GABRIELA – Nagoya
Mga mahal kong kababayan sa Tohoku Region.
Nararamdaman po namin ang lahat ng pagtitiis at sakripisyong dinaranas ninyo.
Gambatte Kudasai! Hindi po kayo nag-iisa. Nandito po ang grupo ng GABRIELA. Asahan ninyo na kasama ninyo kami sa mga adhikain na makabangong muli.
SOBA-UNIFIL JAPAN
Support for Oita Bisaya Association – United Filipinos in Japan
大分-ビサヤを支援する会―在日フィリピン人連合
A Message of Support from Oita, Kyushu!
Greetings from the South! [Isang mainit na pagbati mula sa mga Bisaya at Kapwa Pinoy sa Oita, Kyushu!]
The Filipino community of Southern Japan is one with you in the most difficult and trying times of this nation we consider our destination of hope. Natural disasters and calamities have been ever present in our lives here and at home. It is during these crucial moments that Filipinos must work hand and hand as our ancestors have proven in history. Oftentimes, Filipinos never back down from any form of adversaries. When we are united in a concerted effort (bayanihan) like the walis ting-ting (broomstick analogy), we can always do anything. In the same way as “SOBA” is to “nearness or proximity”, in Nihongo (or something to eat in some sense), we from UNIFIL in Kyushu, are offering ourselves as your kasama & kaibigan (comrade and friend) in this quest we call life. Never lose hope; we are one with your struggle! In solidarity!
Nestor Puno
Coordinator
SAGIP Japan
Ang SAGIP Japan ay lubos na nakikiisa sa ating mga kababayang naapektuhan ng nakaraang trahedyang dulot ng kalikasan at ng tao. Kami ay kasama ninyo sa layuning makabangon at maibalik ang ating maayos na pamumuhay. Bagamat maraming buhay ang hindi na maaaring ibalik, kailangan nating sumulong, laluna ang mga naiwanan.
Ang kailangan natin ngayon ay ibayong lakas at pagtutulungan para sa layuning makapanumbalik ang ating pamumuhay. Kami, ang SAGIP Japan, ay nais makipag-ugnayan sa ating mga kababayang naapektuhan upang sumangguni at makipag-konsulta kung paano ninyo nais tahakin ang daang restorasyon o pagpapanumbalik. Dumalo at magsalita sa mga konsultasyong ipapatawag ng SAGIP Japan, upang marinig natin ang tinig ng mga apektado at maipaabot natin sa mga ahensya ng pamahalaang Hapon, at maging sa ating pamahalaan, ang inyong kahilingan.
Makipag-ugnayan sa SAGIP Japan. Hanggang sa muli nating pagkikita-kita. Maraming salamat po.