6/20/2011

Sagip Bulletin Vol.13 Tungkol sa pag-extend at pag-papareissue ng lisensya sa pagmamaneho (運転免許)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.13]
■□----------□■
Tungkol sa pag-extend
at pag-papareissue ng
lisensya sa
pagmamaneho
(driver’s license)
■□----------□■

Mae-extend ang lisensya hanggang August 31 ng mga taong nakatira sa
mga napinsalang lugar at may lisensya sa pagmamaneho (driver’s
license) na mawawalang bisa pagkatapos ng March 11.

Para sa mga taong napinsala at nawala ang lisensya sa pagmamaneho,
kailangang mag-apply para ma-reissue ito. Ngunit mayroon ding mga
pagkakataong hindi maaaring mag-apply. Para sa mga detalye, magtanong
lamang sa driver’s licensing center na malapit sa inyo.