6/07/2011

Sagip News Flash-Vol.11 Pag-report ng bagong address sa post office (転居届を)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 11 ]
■□----------□■
Pag-report ng bagong
address sa post office
■□----------□■

Kung ang mga evacuees ay mayroon ng bagong address, magsadya sa post
office at isumite ang "Tenkyo Todoke" (Report of change of address).
Kung i-report ito, kahit dating address ang nakalagay sa mga sulat,
ipapadala ito sa bagong address ng walang bayad, sa loob ng 1 taon.
Kung ang bagong address ay nasa loob ng Japan, ipapadala ang
sulat o anupaman sa kahit anumang address(kahit eskuwelahan o
simbahan).
Ang mga munisipyo ay magpapadala ng mga documento para sa
aplikasyon ng pagtangap ng gienkin(public donation) o pag-aplay sa
Risaishoumeisho (Certificate of disaster-affected).

Kung mayroon ng bagong address, siguraduhing ireport ito sa post office.

Ang report ng paglipat ng address sa post office ay walang kaugnayan sa
report ng paglipat ng address ng alien registration.