SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.7]
■□----------□■
Patakaran sa Trabaho
NEWS FLASH
[Vol.7]
■□----------□■
Patakaran sa Trabaho
ng Gobyerno
■□----------□■
■□----------□■
Dumadami ang trabaho sa kasalukuyan, dahil naaprubahan na ang dagdag na badyet ng Kongreso para sa pagkumpuni ng mga naapektuhan ng nakaraang kalamidad,
Maging sa mga Hello Work ay mayroon ding mga impormasyon hinggil sa trabahong kailangan mula sa iba't-ibang lugar sa Japan na nagbibigay prayoridad sa mga apektado ng nakaraang kalamidad.
Kung ang interbyu o "mensetsu" mula sa ipinakilala ng Hello Work ay nasa malayong lugar, maaaring makatanggap ng pamasahe, pambayad sa hotel o tutuluyan at panggastos sa paglilipat ng bahay kung sakaling matanggap. Maaari ding makatanggap ng allowance kung dadalo sa mga pagsasanay sa trabaho.
Kung kayo ay nawalan ng trabaho, o nagsara ang kompanyang pinagtatrabahuhan dahil sa nakaraang kalamidad, maaaring humingi ng ekstensyon sa pagtanggap ng benepisyo mula sa employment insurance o "koyo hoken" ng 60 na araw.
Para sa detalye, makipag-ugnayan kayo sa Hello Work na malapit sa inyong lugar.