■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.6]
■□----------□■
Para sa mga napinsala
ng aksidente sa
Nuclear Plant
■□----------□■
Para mabigyan ng tamang kabayaran (bayad-pinsala) ang mga napinsala ng aksidente sa Nucler Plant, Ministry of Education and Science ay nagpaliwanag tungkol sa mga dokumentong maaaring kailanganin para mag-aplay sa bayad-pinsala, batay sa dokumentong kinailangan sa dating kalamidad.
Magtago (maglipit) na lang kayo ng mga dokumentong nagpaaptunay ng pinsala, batay sa mga sumusunod.
- Dokumento katulad ng medical certificate sa sakit at sugat, at mga resibo sa pagpapagamot
- Dokumento tungkol sa pinsala sa kasangkapan sa bahay, paninda, gusali, at iba pa.
- Dokumento katulad ng madetalyeng ulat ng pamasahe para sa biglang pagtakas galing sa pinaruming lugar (contaminated area)
- Resibo sa ospital o klinika para siyasatin ang impluwensya ng radiation
- Dokumentong nagpapatunay ng pagbabawas ng suweldo dahil sa pagtigil ng trabaho
- Dokumento na nagpapatunay ng pinsala dahil sa hindi maitutuloy ang negosyo, katulad ng " Final Returns / Kakutei shinkoku-sho" (Dokumento ng income tax return).
"Fukushima Nuclear Compensation Office" (Call Center)
Tel.no. 0120-926-404
Oras 9:00-21:00 (Lunes-Sabado)
Ito ay eksklusibong tanggapan para magkunsulta tungkol sa kabayaran sa pinsala ng Nuclear Plant.