12/27/2011

NEWS FLASH[Vol. 48]Konsultasyon Ukol sa mga Problema sa Stress, Kalooban o DV(心の相談、DV相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 48]
■□----------□■
Konsultasyon Ukol sa
mga Problema sa Stress,
Kalooban o DV
■□----------□■
Maaari kayong kumonsulta ukol sa stress dahil sa sakuna, mga problema sa kalooban o DV.

Iwate Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa mga Stress sa Sakuna
019-629-9617(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Pag-aalaga ng Kalooban ng mga Babae -Hotline IWATE
(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-240-261(Araw-araw 10:00-17:00)(Toll-free)

Miyagi Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa Kalooban
0229-23-0302(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Konsultasyon ng Kalooban -Hotline MIYAGI(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-933-887(Mon-Fri 8:30-16:45)(Toll-free)

Sendai City
・Konsultasyon sa Telepono "Heart Line"
022-265-2229(Mon-Fri 10:00-12:00、13:00-16:00)
・Konsultasyon sa Telepono sa Gabi
022-217-2279(Araw-araw 18:00-22:00)

Fukushima Prefecture
・Konsultaryon ng Kalusugan sa Kalooban
0570-064-556(Mon-Fri 9:00-17:00)

Konsultasyon ng DV
0570-0-55210
Tawagan ninyo at kayo'y bibigyan ng mga impormasyon ng pinakamalapit na opisinang napili mula sa mga 900 lugar sa buong bansa para sa konsultasyon gamit ang automated voice ng 24 oras. Ikokonekta sa opisina na iyun ang inyong pagtawag kung inyong nanaisin.
■□----------□■

12/19/2011

NEWS FLASH[Vol.47]Tulong-Pinansyal Para sa Pansamantalang Paglipat (Fukushima Pref)(一時避難への助成:福島)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.47]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal Para sa Pansamantalang Paglipat (Fukushima Pref)
■□----------□■
 
Ang isang foundation na tinatawag na HIGASHI NIHON DAISHINSAI FUKKO SHIEN ZAIDAN (東日本大震災復興支援財団) ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang pansamantalang lumipat o lilipat sa labas ng Fukushima prefecture dahil sa epekto ng radiation at sa mga iba pang concern.

Ang mga pamilyang mabibigyan ng tulong-pinansyal ay ang mga may anak na nag-aaral sa kolehiyo at pababa, o nagdadalang-tao, na nakalipat na o lilipat palang sa labas ng nasabing prefecture sa pagitan ng mula ika-24 ng Agosto ng 2011 hanggang ika-10 ng Abril ng taong 2012.

Mabibigyan pa rin kahit mag-ina lamang ang lilipat o lilikas.

Maaaring mabigyan ng hanggang 20 lapad kada pamilya upang makatulong sa pamasahe, panggastos sa paglipat, deposit sa lilipatan na tinatawag na "SHIKIKIN" at "REIKIN."

Ang mga interesado sa tulong na ito ay maaaring mag-aplay muna sa naturang foundation bago ika-15 ng Enero, taong 2012. Pagkatapos lumipat tsaka pa lamang hihiling ng tulong-pinansyal, kasama ang pag-susumite ng mga resibo ng nasabing paglipat.

Maaari ding mag-aplay ang mga pamilyang hindi nabigyan ng certification of disaster-victim o "RISAI SHOMEISHO."

Para sa karagdagang impormasyon, makipagugnayan sa 0120-975-053 (Free Dial)

■□----------□■

12/07/2011

NEWS FLASH[Vol.46]Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet(コタツ、カーペットの配布)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.46]
■□----------□■
Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet
■□----------□■

Ang isang pribadong organizasyon ay magbibigay ng libreng kotatsu o
hot carpet para sa 5000 pamilyang naapektuhan ng March 11 disasters sa
Tohoku region. Ang mga gustong makatanggap nito ay
kailangang mag-apply at mag-fill-up ng application form, isulat ang
inyong pangalan, address, phone number at ang mga electric appliances
na naibigay sa inyo bilang relief goods. Iisa lamang ang maaaring
matanggap at kailangang pumili kung kotatsu o hot carpet ang nais
matanggap. Isama ang Risaishoumeisho (Disaster Victim Certificate) at
mag-apply sa pamamagitan ng koreo. Kahit hindi mapili sa 5000, may
ipamimigay na blanket para sa lahat ng aplikante. Maaring mag-download
ng application form sa sumusunod na
website.http://fumbaro.org/news/2011/12/5000.html
Ang application ay tatanggapin hanggang December 14, 2011.

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa 0570-06-4439
(Project Fumbaro Eastern Japan)
■□----------□■

12/02/2011

Filipino Consultation Towards Restoration in fukushima

The venue for this consultation in Fukushima is changed, and it will be held in, IIzaka Gakushu Center-Fukushima-shi, IIzaka machi, Ginnan Aza 6-11.
会場が変更となりましたので、ご注意ください。

飯坂学習センター
 ■所在地
  〒960-0201 福島市飯坂町字銀杏6番地の11
 ■連絡先
  電話:024-542-2122
 ■交通
  福島交通飯坂線:「花水坂駅」より徒歩3分

 

11/30/2011

NEWS FLASH[Vol.45]Konsultasyon hinggil sa "loan" sa Rikuzen Takada, Ofunato, Kamaishi,Ishinomaki, Kesennuma at Iwaki(各地で債務問題の相談会)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.45]
■□----------□■
Konsultasyon hinggil sa "loan" sa Rikuzen Takada, Ofunato, Kamaishi,
Ishinomaki, Kesennuma at Iwaki
■□----------□■

Mayroon po ba kayong problema tungkol sa loan?" Tinangay ang bahay at
kotse pero may utang na kailangang bayaraan." "May loan pa sa bahay,
pero hindi na pwedeng tumira doon dahil sa radiation." Magkakaroon ng
konsultasyon sa iba't ibang lugar na nakasaad sa ibaba para sa mga
taong may problema sa loan.

Rikuzen Takada City Hall (Kailangan ng appointment. Tel:019-606-3622)
Dec5. Mon 10am-3pm
Dec19 Mon 10am-3pm

Ofunato City Hall (Kailangan ng appointment Tel: 019-606-3622)
Dec.14 Wed. 10am-3pm
Dec.28 Wed. 10am-3pm

Kamaishi Shohiseikatsu Center/ Kamaishi Consumer Life Center (Kailangan
ng appointment. Tel:019-606-3622)
Dec.6 Tue. 10am-3pm
Dec.20 Tue. 10am-3pm

Sa loob ng Ishinomaki City (Kailangan ng appointment. Tel:022-212-3025)
Dec.14 Wed. 10am-3pm
Dec21. Wed. 10am-3pm

Sa loob ng Kesennnuma City (Kailangan ng appointment. Tel:022-212-3025)
Dec.13 Tue 10am-3pm
Dec26. 10am-3pm

Iwaki-shi Shakai Fukushi Center/ Iwaki City Social Welfare
Center (Kailangan ng appointment. Tel: 024-526-0281)
Dec. 4 Sun 10am-4pm
Dec 21 Wed. 10 am-4 pm

■□----------□■

11/22/2011

NEWS FLASH[Vol.44]Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki(石巻での義援金配布:2回目)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.44]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki
■□----------□■
Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal
para sa mga sambahayan na nawalan ng bahay o nasiraan ng halos lahat
ng bahay o kalahating bahay. Subalit ang maaari lamang makatanggap
nito ay ang mga hindi nakatanggap noong Oktubre.
Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga sumusunod;

Petsa/Oras: November 27 - Mula 9:00 am. hanggang 2:00 pm.
Lugar: Ishinomaki Citizen Hall (Ishinomaki Shimin Kaikan)
Ang halaga na ipamimigay:
3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 kataong kasapi ng
pamilya, at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas.

Ang mga bagay na kailangang dalhin:
Risaishoumeisho (Certificate of Disaster Victim) para isumite o maari
rin ang kopya, ID at Inkan (personal seal)

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa Taiwan Buddist Funding Agency
Phone 03-3203-5651
■□----------□■

11/16/2011

NEWS FLASH[Vol.43]Libreng konsultasyon para sa compensation sa radiation accident sa Fukushima City(福島市での原発事故損害賠償に関する法律相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.43]
■□----------□■
Libreng konsultasyon para sa compensation sa radiation accident sa
Fukushima City
■□----------□■
Ang Fukushima City ay maglulunsad ng mga konsultasyon sa mga lugar na
nakasaad sa ibaba. Sasagutin ng mga abogado ang inyong mga katanungan
hinggil sa pag-aayos upang makatanggap ng compensation para sa mga
apektado ng radiation accident, at kailangan ng appointment sa lahat
ng konsultasyon. Wala pong bayad ang konsultasyon.

Schedule: Nov.25(Fri), Nov.30(Wed), Dec.7(Wed)
Lugar: Fukushima-Ken Kenpoku Chihou Koushinkyoku/ Fukushima Prefecture
Regional Development Bureau (sa loob ng Nakamachi Post Office Building).

Para sa detalye, tumawag lamang kayo sa tanggapan ng Fukushima
Prefecture para sa Compensation for Nuclear Damage, sa Tel.
024-523-1501 (araw-araw mula 8:30 hanggang 21:00)

Magkakaroon din ng libreng konsultasyon ang Fukushima Bar Association.
Iba ang schedule na nakasaad sa itaas. Ito ay gaganapin sa kanilang
opisina, sa Fukushimaken Bengoshi Kaikan.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang kayo sa tanggapin ng
Fukushima Bar Association sa Tel. Free Dial 0120-700-791 (Lunes
hanggang Biyernes, 10:00-16:00),

11/14/2011

 11月16日に京都で開催された「地域の担い手としての結婚移民」というシンポジウムで、事務局の後藤が、「被災した結婚移民の復興に向けて」というタイトルで報告し、サギップ・ミグランテ・ジャパンの活動報告を行いました。

11/12/2011

NEWS FLASH [Vol.42]Libreng Konsultasyon sa Iwaki(いわき市にて原発事故被害の補償に関する法律相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.42]
■□----------□■
Libreng Konsultasyon sa Iwaki
■□----------□■
Magkakaroon ng libreng konsultasyon sa Iwaki City sa mga lugar na
nakasaad sa ibaba. Sasagutin ng abogado ang mga katanungan hinggil sa
pag-aayos upang makatanggap ng compensation para sa mga apektado ng
radiation accident. Ang oras ng konsultasyon ay mula 1:30pm hanggang
3:30 pm at kailangan ng appointment sa lahat ng konsultasyon.

CHUOU KOMINKAN/ Central Community Center:
Nov.30 (Wed), Dec.5 (Mon), Dec.12 (Mon)

IINO KOMINKAN / Iino Community Center: Nov.18 (Fri)
YOSHIMA KOMINKAN / Yoshima Community Center: Nov. 25 (Fri)

Para sa detalye, tumawag lamang kayo sa tanggapan ng Fukushima
Prefecture para sa Compensation for Nuclear Damage sa numerong:
024-523-1501
■□----------□■

11/06/2011

NEWS FLASH[Vol.41]Pagbibigay ng GIENKIN Donation Para sa mga Nagsilang(妊産婦への義援金)


■□----------□■
SAGIP NEWS FLASH
[Vol.41]
■□----------□■
Pagbibigay ng
GIENKIN Donation
Para sa mga Nagsilang
■□----------□■

Nagpahayag ang Japanese Organization for International Cooperation in Family Planning (JOICFP) na ito ay magbibigay ng GIENKIN donation ng halagang 50,000 yen sa mga nanganak mula Marso hanggang Disyembre ng taong kasaukuyan. Dapat ay nasa Iwate, Miyagi o Fukushima ang kanilang residence registry noong panahon ng kalamidad o pinsala.

Kailangang mag-fill-up ng aplikasyon, na maaaring makuha sa JOICFP website o magpadala ng fax (03-3235-9776) upang humingi ng aplikasyon at pagkatapos nito ay ipadala sa JOICFPkasama ang 1) certification of disaster-victim, 2) residence certificate o alien registration certificate at 3) photocopy ng pahina ng proof of birth registration sa BOSHITECHO o maternity health record book. Ang aplikasyon ay tatanggapin hanggang Pebrero 29, 2012.
 
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa JOICFP:
Tel: 03-3268-3172 E-mail: kesho@joicfp.or.jp

■□----------□■

10/29/2011

NEWS FLASH[Vol.40]Tulungan ang Tohoku! Libreng Palabas ng mga Bading (gay)sa Minamisanriku(無料ニューハーフショー:南三陸)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.40]
■□----------□■
Tulungan ang Tohoku! Libreng Palabas ng mga Bading (gay)sa Minamisanriku
■□----------□■

Ang isang samahan ng mga bading sa Hokkaido ay magsasagawa ng palabas
para magbigay ng kasiyahan sa mga nasalanta sa Minamisanriku. Libre
ang entrance, pati mga inumin tulad ng beer, juice, shochu o whisky.
Mayroon din pong pa-raffle.

Schedule: Oct.30 6:30pm ang pagbubukas ng venue at 8:00pm naman ang
pagsisimula ng palabas.
Lugar: Hotel KANYO, Minamisanriku

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa nasabing hotel.
Phone 0226-46-2442
■□----------□■

10/28/2011

NEWS FLASH[Vol.39]Mamimigay ng damit pang-taglamig sa Iwaki City(冬物衣料の配布:いわき市))

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.39]
■□----------□■
Mamimigay ng damit pang-taglamig sa Iwaki City
■□----------□■
Mayroong ipamimigay na (nagamit na) damit o used clothes pang-taglamig
para sa mga biktima ng nakaraang kalamidad sa apat na lugar ng
Iwaki-City, Fukushima Prefecture

Petsa at Oras:

Oct.29 (Sat) Mula sa 1:00pm hanggang 4:00pm
Oct.30 (Sun) Mula sa 10:00am hanggang 3:00pm

Lugar :

Cleanup Inoue Kinen Gynmasium
Kodama Memorial Auditorium, Iwaki Meisei University
Iwaki Human Resources Development Promotion Center
Nakoso Civic Center

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Iwaki City Hall,
sa Tel. No.(0246-24-7111).
■□----------□■

10/25/2011

NEWS FLASH[Vol.38]Konsultasyon ng lokal na pamamahalaan sa Kamaishi(総合行政相談:釜石)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.38]
■□----------□■
Konsultasyon ng lokal na pamamahalaan sa Kamaishi
■□----------□■
Sa Kamaishi City ay magkaroon ng konsultasyon para sa mga nasalanta
noong nakaraang sakuna. Ang iba't ibang ahensya ng lokal na
pamamahalaan ay sasagot sa inyong mga katanungan, tulad ng Iwate
Prefectural Reconstruction Department, Labor Department,Transport
Bureau, Housing Finance Agency, atbp. Libre ang konsultasyong ito.

Petsa at oras: Nov. 8. (Martes) Mula 10am hanggang 3pm
Lugar: KAMAISHI SHIMIN TAIKUKAN /Kamaishi City Gymnasium
Para sa detalye, tumawag lamang sa IWATE GYOSEI HYOKA JIMUSYO/ Iwate
district Administrative Evaluation Office na may numerong
019-622-3470.
■□----------□■

10/19/2011

NEWS FLASH[Vol.37]Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Kesennuma at Ofunato(気仙沼・大船渡での見舞金配布)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.37]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Kesennuma at Ofunato
■□----------□■

Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal
para sa mga sambahayan sa Kesennuma at Ofunato na nawalan ng bahay o
nasiraan ng halos lahat ng bahay o kalahating bahay. Ang mga puwedeng
mag-aplay dito ay ang mga hindi pa nakatanggap ng tulong-pinansyal
galing sa nasabing agency.

Ang halaga na ipamimigay:
3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 katong kasapi ng pamilya,
at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas.

Ang mga bagay na kailangang dalhin:
Risaishoumeisyo (Certificate of Disaster Victim) o maari rin ang
kopya, ID at Inkan (personal seal)

Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga susunod:

Kesennuma
Oct.23 Mula 9:00am hanggang 3:00pm - One Ten Community Center

Ofunato
Oct.24 Mula 9:00am hanggang 2:00pm - Rias Hall

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Taiwan Buddhist
Funding Agency
Phone 03-3203-5651

■□----------□■

10/18/2011

NEWS FLASH[Vol.36]Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki(見舞金給付、石巻)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.36]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal para sa mga Nasalanta sa Ishinomaki
■□----------□■
Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal para sa mga sambahayan na nawalan ng bahay o nasiraan ng halos lahat ng bahay o kalahating bahay.

Ang halaga na ipamimigay:
3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 kataong kasapi ng pamilya, at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas.

Ang mga bagay na kailangang dalhin:
Risaishoumeisho (Certificate of Disaster Victim) para isumite o maari rin ang kopya, ID at Inkan (personal seal)

Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga sumusunod.

Oras ng reception: Mula 9:00am hanggang 4:00pm
Ishinomaki, Sumiyoshi, Tashiro, Hebita, Inai areaOct.20, 21, 22 & 23 - Shiminkaikan (Citizen Hall)

10/15/2011

NEWS FLASH[Vol.35]Libreng Legal Consultation(Ishinomaki)無料法律相談(石巻)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.35]
■□----------□■
Libreng Legal Consultation
(Ishinomaki)
■□----------□■
Ang Sendai Bar Asssociation ay magsasagawa ng libreng legal
consultation. Hindi kailangan ng appointment.

Petsa, oras at lugar:
Oct. 16 Sun, mula 10:00 am hanggang 3:00 pm
KAHOKU SOGO SISHO/ Kahoku general branch office of city hall
KANAN SOGO SISHO/Kanan general branch office of city hall

Oct. 23 Sun, mula 10:00 am hanggang 3:00 ppm
MONOU SOGO SISHO/ Monou general branch office of city hall
OGATSU SOGO SISHO KARICHOUSHA/ Ogatsu sogo general branch temporally office
of city hall

Oct. 30 Sun mula 10:00 am hanggang 3:00 pm
KITAKAMI SOGO SISHO KARICHOUSHA/Kitakami sogo general branch
temporally office of city hall
OSHIKA SOGOSAISHO/ Oshika sogo general branch office of city hall

Para sa dealye, tumawag sa Ishinomaki city civil consultation center /
ISHINOMAKI SHIMIN SOUDAN CENTER na may numerong  0225-23-5040

■□----------□■

10/12/2011

NEWS FLASH[Vol. 34]Libreng Consultation sa Ichinoseki(一関での住宅に関する相談会)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 34]
■□----------□■
Libreng Consultation sa Ichinoseki
■□----------□■
Magkaroon ng libreng consultation sa Ichinoseki city para sa mga
nasalanta noong nakaraang sakuna. Ang abogado , architect at opisyales
ng "Japan Housing Finance Agency" ay sasagot sa mga problema ukol sa
bahay.

Pesta at Oras: Oct. 15 at Oct. 16, Mula 10:00 am hanggang 5:00 pm
(Kailangang matapos ang pag-aaply ng consultation sa receprtion bago 4:00 pm)
Lugar: IWATE NIPPONSHA ICHINOSEKI Bldg.

Para sa detalye tumawag lamang sa
022-227-5035(JYUTAKU SHIEN KIKO/Japan Housing Finance Agency )
0570-016-100(JYUTAKU REFORM CENTER)
■□----------□■

10/08/2011

NEWS FLASH[Vol.33]Libreng Consultation sa Ishinomaki(無料相談会:石巻)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.33]
■□----------□■
Libreng Consultation sa Ishinomaki
■□----------□■

Magkakaroon ng libreng consultation sa Ishinomaki City para sa mga
nasalantan ng nakaraang sakuna. Ang mga espesyalista, tulad ng
abogado, ”house inspector" (isang espesyalista sa presyo ng lupa),
"labor and social security attorney"(espesyalista sa social
insurance), "financial planner"(espesyalista ng pagpapaplano ng
paggamit ng pera), "tax accountant" (dalubhasa sa buwis) atbp. Ito ay
gaganapin sa dalawang lugar na nakasaad sa ibaba.

ISHINOMAKI SENSHU DAIGAKU/ Ishinomaki Senshu University
Petsa at oras: Oct. 8 (12:00 pm-4:00 pm), Oct. 9 (10:00 am-3:00 pm)

ISHINOMAKISHI SHIHOU SHOSHI CENTER (Ishinomaki city judicial scrivener center)
Petsa at oras: Oct. 8. (1:00pm-16:00 pm), Oct.9. (9:00 am-3:00 pm)

Para sa detalye, tumawag lamang sa 090-3516-0429 o mag-email sa isowaki@msn.com

■□----------□■

10/07/2011

NEWS FLASH[Vol.32]Mamimigay ng mga damit pang-autumn at winter sa Minami Sanriku(秋冬物医療配布・南三陸)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.32]
■□----------□■
Mamimigay ng mga damit pang-
autumn at winter sa Minami Sanriku
■□----------□■
Ang PARCO department ay mamimigay ng damit na pang-autumn at winter
para sa mga babae. Mayroon ding bag, sapatos at accessories na
ipamimigay. Ito ay para sa 1000 katao lamang at bibigyan ang sinumang
maagang dumating.

Lugar: Bayside Arena
Petsa at Oras: Ika-8 ng Oktubre AM11:00-PM4:00 (Maaaring matapos nang
mas maaga kapag naubos na ang ipamimigay.)

*Kailangan ng SEIRIKEN o ticket para pumasok. Mula alas-8 ng umaga ay
magsisimulang mamigay ng ticket sa entrance ng Bayside Areana.
*Ang mismong tao na nais pumasok at kukuha ng damit ay kailangang
pumila para makatanggap ng ticket. Bawal ipamigay ang naturang ticket sa
ibang tao.
*Babae lamang ang pwedeng pumasok, hindi po pwede ang lalaki.
*20 minuto lamang pwedeng manatili sa loob para pumili ng damit atbp.

■□----------□■

10/02/2011

NEWS FLASH[Vol.31]Bukas ang HOTERASU MINAMI SANRIKU(法テラス南三陸)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.31]
■□----------□■
Bukas ang HOTERASU
MINAMI SANRIKU
■□----------□■
Sa Oct. 3, magbubukas ang "HOTERASU MINAMI SANRIKU", opisina para sa
legal na konsultasyon. Ang lawyers, social workers, architect, tax
accountants at iba pang espesyalista ay sasagot ng mga problema ng mga
nasalanta noong nakaraang sakuna. Libre ang konsultasyong ito.
Lugar: Sa tabi ng Bayside Arena
Oras:Mula 9am hanggang 5pm

Para sa detalye, tumawag lamang po sa 050-3383-0210

9/29/2011

NEWS FLASH[Vol.30]Japanese Class sa Rikuzentakada(陸前高田で日本語教室)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.30]
■□----------□■
Japanese Class sa
Rikuzentakada
■□----------□■
Magsisimula na uli ang Japanese class sa Rikuzentakada International Center.

Petsa at oras: Tuwing Huwebes mula 7pm hanggang 9pm
(Sa Sep. 29 ay magsisimula uli)
Lugar : Temporary building ng Rikuzentakada city hall
Para sa detalye, tumawag lamang sa Rikuzentakada International Center
na may numerong 0192‐54‐2111 Extension 312
■□----------□■

9/20/2011

SHUT DOWN ALL NUCLEAR POWER PLANTS

ILPS CALLS FOR A WORLDWIDE CAMPAIGN: SHUT DOWN ALL NUCLEAR POWER PLANTS!

Issued by the International Coordinating Committee
International League of Peoples' Struggle
19 September 2011

A heavy earthquake and a tsunami wave in Fukushima, Japan, on 11 March 2011 have caused the most serious nuclear catastrophe since Hiroshima and Nagasaki.  The meltdown thus caused has not yet been brought under control to date.  It can potentially make uninhabitable wide areas of the densely populated Japanese islands, contaminate with radioactivity the human food chain worldwide and cause the spread of debilitating diseases for decades to come.

NEWS FLASH[Vol.29]Filipino Consultation Towards Restoration(被災地フィリピン人生活復興会議)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.29]
■□----------□■
Filipino Consultation Towards Restoration
■□----------□■

Ang SAGIP Migrante-Japan ay malugod kayong inaanyayahan sa gaganaping
konsultasyon ng mga Pilipino hinggil sa pangyayari ng nakaraang
kalamidad sa Tohoku Region. Ito po ay gaganapin sa September 24
(10:00am-4:30pm) sa Furumachi Goku Jichi Kaikan (malapit sa Kesennuma
Station). Maaari po nating iparating ang ating mga problema at hinaing
sa representante ng pamahalaan mula sa prefectural office, malaman ang
plano ng local government sa usapin ng pamumuhay, trabaho, tirahan,
atbp. Pagkakataon din nating malaman ang mga programa ng mga NGO na
maaaring makatulong sa atin, at makahalubilo ang mga kababayan nating
galing sa ibang rehiyon dito sa Japan.

Para po sa detalye, makipag-ugnayan o tumawag sa 090-9224-0922 o kaya
kay Rachelle Takahashi ng Kesennuma 090-7932-3741.

Maraming salamat po, at magkita-kita po tayo.

■□----------□■

9/16/2011

NEWS FLASH[Vol.28]Mamimigay ng damit (Ofunato)(衣服の提供:大船渡)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.28]
■□----------□■
Mamimigay ng damit (Ofunato)
■□----------□■

Ang Ofunato City ay mamimigay ng damit para sa mga residente nito.

Petsa: Sep. 17(Sat) at Sep. 18(Sun) 10:00am-2:30pm
Lugar: Ofunato City Gymnasium/OFUNATO SHIMIN TAIKUKAN

Para sa mga katanungan, tumawag lamang sa Ofunato City Hall, Health
and Welfare Division na may numerong 0192-27-3111, Extension
182・186・187

■□----------□■

9/13/2011

NEWS FLASH[Vol.27]Pamimigay ng Relief Supplies sa Rikuzen-Takada City(支援物資の配布:陸前高田)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.27]
■□----------□■
Pamimigay ng Relief Supplies sa Rikuzen-Takada City
■□----------□■

Sa Rikuzen-Takada City ay mamimigay ng relief supplies tulad ng damit
at pang araw-araw na gamit. Ito ay gaganapin sa mga lugar na nakasaad
sa ibaba.

Sept.15 - Thurs. - 2pm-4pm at Mobiria,
Sept. 23 - Fri. - 10am-12pm at Takekoma Elementary School,
Sept. 23 - Fri. - 2pm-4pm at Osabe Elementary School,
Oct. 2 - Sun. - 10am-12pm at Yokota Elementary School,
Oct. 2 - Sun. - 2pm-4pm at Hirota Elementary School

9/06/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.26]Konsultasyon Kaugnay sa Trabaho (Iwate) (労働相談:岩手県)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.26]
■□----------□■
Konsultasyon Kaugnay sa Trabaho (Iwate)
■□----------□■
Ang labor department office ay magkakaroon ng consultation meeting
kaugnay sa trabaho, employment insurance, sahod at pansamantalang
pagsasara ng operasyon ng negosyo.

Otujucho Chuo Kouminkan : September 6 at September 20 (Mula sa alas
11:00 ng umaga hanggang  alas 3:00 ng hapon)

Yamadamachi Shoukoukai: September 7 at September 21 (Mula sa alas
11:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon)

Rikuzentakada Shoukoukai temporary office: September 8 at September 22
(Mula sa alas 11:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon)

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa Iwate Labor
Department Office (Phone Number019-604-3002)
■□----------□■

9/02/2011

SAGIP NEWS FLASH [Vol.25]Babayaran ng pamahalaan ang sweldo na hindi pa nababayaran(未払賃金の立替)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.25]
■□----------□■
Babayaran ng pamahalaan ang sweldo na hindi pa nababayaran
■□----------□■

Kung ang inyong kompanya na pinagtatrabahuhan ay nagsara o napinsala
ng nakaraang sakuna at hindi natanggap ang inyong suweldo, maaaring
bayaran ng pamahalaang Hapon ang bahagi ng suweldong hindi natanggap.
Maaari kayong mag-apply nito sa loob ng anim na buwan mula sa
pagkawala ng trabaho. Halimbawa, nawalan ng trabaho noong ika-11 ng
Marso, maaari kayong mag-apply nito hanggang sa ika-12 ng Septyembre.

8/26/2011

SAGIP NEWS FLASH [Vol.24]Mamimigay ng Relief Supplies sa Ofunato City(大船渡市での支援物資の提供)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.
24]


■□----------□■
Mamimigay ng Relief Supplies sa Ofunato City
■□----------□■
Sa Ofunato city ay mamimigay ng relief supplies tulad ng damit, pampers, mask at pang-araw-araw na gamit. Ito ay gaganapin sa August 27, 28, 29 at 30 sa Ofunato city gymnasium/ OFUNATO SHIMIN TAIKUKAN, mula 10:00am hanggang 3:00pm. Maaaring makatanggap ang mga residenteng nabigyan ng “nasalanta ng kalamidad (risai shomeisho), nawalan ng trabaho dahil nasalanta ang pinagtrabuhan, nag-evacuate sa bahay ng kamag-anak, at ang pamilya na nagpatira sa kanilang bahay sa kamag-anak na nasalanta.

Para sa mga katanungan, tumawag sa 0192-27-3111(Ofunato City Hall)
■□----------□■

SAGIP NEWS FLASH [Vol.23Tulong-Pinansyal Para sa mga Nasalanta sa Ofunato City(大船渡市での義援金配布)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.
23]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal Para sa mga Nasalanta sa Ofunato City

■□----------□■
Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal para sa mga taga-Ofunato na nabiktima ng nakaraang trahedya.
Petsa: Agusto 27 at 28, mula 9:00am hanggang 4:00 pm.
Lugar: RIASU Hall

Mga Dapat Dalhin:
a. Katunayan na nasalanta (risai shomeisho ng house holder, kahit copy lang)
b. Bagay na magpapakilala sa tatanggap, tulad ng driver’s license o health insurance card
c. Inkan (hanko)
Para sa mga katanungan, tumawag sa 03-3203-5651 (Taiwan Buddhist Funding Agency)
■□----------□■

8/19/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.22-2] Mamimigay ng Relief Supplies sa Minami Sanriku-cho & Tulong-pinansyal Para sa mga Nasalanta sa Minami Sanriku-cho(南三陸町でのフリーマケット、台湾の仏教団体による義援金配布))


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.
22-2]

■□----------□■
3. Mamimigay ng Relief Supplies sa Minami Sanriku-cho
4. Tulong-pinansyal Para sa mga Nasalanta sa Minami Sanriku-cho
■□----------□■
3. Mamimigay ng Relief Supplies sa Minami Sanriku-cho

SAGIP NEWS FLASH[Vol.22-1] Consultation Support Centers in Iwate & Libreng Konsultasyon sa Rikuzen Takata(大船渡、陸前高田などでの相談会)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.
22-1]
■□----------□■
1. Consultation Support Centers in Iwate
2. Libreng Konsultasyon sa Rikuzen Takata
■□----------□■

1. Consultation Support Centers in Iwate

8/09/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.21] Ang Ishinomaki city ay nagbukas ng consultation desk o SOUDAN MADOGUCHI(石巻の外国人相談窓口))

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.21]
■□----------□■

Ang Ishinomaki city ay nagbukas ng consultation desk o SOUDAN MADOGUCHI para sa mga dayuhang residente. Nagbibigay sila ng impormasyon hinggil sa trabaho ng city hall, at nagpapakilala din ng ibang ahensya kung saan kayo maaaring sumangguni sa inyong problema. Huwag mag-atubiling lumapit. Walang bayad ang serbisyong ito..

Filipino at English consultation service;
Oras: Tuwing Miyerkoles, mula 9:00 hanggang 15:15
Lugar: Ishinomaki city hall, SHIMINKYODO-KA (Civic collaboration section)
※Maaaring kayong sumangguni sa loob ng kuwarto.
Ito ay depende sa uri ng iyong problema.

Telepono: 0225-95-1111 (Extension: 4233)
■□----------□■

SAGIP NEWS FLASH[Vol.20] Pagpapa-renew ng Driver's License(運転免許について)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.20]
■□----------□■
Pagpapa-renew ng Driver's License
■□----------□■
Ang mga nabigyan ng ekstensyon ng kanilang Drivers' License, dahil sa nakaraang sakuna, mula March 11 hanggang Aug.31 ng 2011, mangyari ay magpa-renew nito bago Aug.31. Marami ang magpapa-renew sa katapusan ng Agosto, kaya mungkahi na maisagawa ito sa lalong madaling panahon.
■□----------□■

7/31/2011

May Perang Ipamimigay(気仙沼限定の義援金配布)

Para sa mga Naninirahan sa Kesennuma City,
Mayroong ipamimigay na pera para sa mga nasiraan o nawalan ng bahay (lamang), dulot ng lindol at tsunami noong nakaraang March 11, ito ay mula sa Taiwan Buddhist Funding agency. Ang halaga na ipamimigay ay, 3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 kataong kasapi ng pamilya, at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas. Ito ay mula ngayong araw hanggang sa Linggo lamang. Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga sumusunod.

7/29/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.18] Health Check-up para sa mga residente ng Fukushima Prefecture(福島県民の検査)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 18]
■□----------□■
Health Check-up para sa mga residente ng Fukushima Prefecture
■□----------□■
Ang Fukushima Prefecture ay magsasagawa ng Health Check-up hinggil sa epekto ng radiation para sa lahat ng residente ng Fukushima Prefecture, kabilang ang dating nakatira sa Fukushima Prefecture noong ika-11 ng Marso at kasalukuyang naninirahan sa ibang prefecture na dating nakatira sa Fukushima Prefecture noong ika-11 ng Marso. Magsisimula ang Health Check-up at ipapadala sa inyo ang palatanungan o medical interview sheet (MONSHINHYO) sa mga nabanggit na residente.
Para sa detalye, makipag-ugnayan kayo sa Fukushima Disaster Headquarters (FUKUSHIMA-KEN SAIGAI TAISAKU HONBU) sa numerong 024-521-8028.

■□----------□■