9/02/2011

SAGIP NEWS FLASH [Vol.25]Babayaran ng pamahalaan ang sweldo na hindi pa nababayaran(未払賃金の立替)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.25]
■□----------□■
Babayaran ng pamahalaan ang sweldo na hindi pa nababayaran
■□----------□■

Kung ang inyong kompanya na pinagtatrabahuhan ay nagsara o napinsala
ng nakaraang sakuna at hindi natanggap ang inyong suweldo, maaaring
bayaran ng pamahalaang Hapon ang bahagi ng suweldong hindi natanggap.
Maaari kayong mag-apply nito sa loob ng anim na buwan mula sa
pagkawala ng trabaho. Halimbawa, nawalan ng trabaho noong ika-11 ng
Marso, maaari kayong mag-apply nito hanggang sa ika-12 ng Septyembre.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang kayo sa;
Iwate Labor Department Supervision Division / IWATE RODOKYOKU
KANTOKU- KA Tel:019-604-3006
Miyagi Labor Departmet Supervision Division / MIYAGI RODOKYOKU
KANTOKU- KA Tel:022-299-8838
Fukushima Labor Department Supervision Division / FUKUSHIMA RODOKYOKU
KANTOKU- KA Tel:024-536-4602

P.S. - Pakipasa po ito sa ibang mga kababayan nating me mobile e-mail,
o kaya ay ibigay sa amin ang kanilang e-mail address ng celphone upang
mapadalhan namin sila ng news flash. Maraming salamat po, at hangad
namin ang mabilis na recovery, sa inyong lahat.

■□----------□■