■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.22-2]
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.22-2]
■□----------□■
3. Mamimigay ng Relief Supplies sa Minami Sanriku-cho
3. Mamimigay ng Relief Supplies sa Minami Sanriku-cho
4. Tulong-pinansyal Para sa mga Nasalanta sa Minami Sanriku-cho
■□----------□■
■□----------□■
3. Mamimigay ng Relief Supplies sa Minami Sanriku-cho
Sa Minami Sanriku-cho, ay mamimigay ng relief supplies tulad ng damit at pang-araw-araw na gamit. Ito ay gaganapin sa August 21 (Linggo), sa Bayside Arena, mula 10:00am hanggang 3:00pm. Kailangang dalhin po ang inyong katunayan na kayo ay nasalanta ng kalamidad, o ang tinatawag na risai shomeisho, pwede rin po kahit copy lang.
■□----------□■
4. Tulong-pinansyal Para sa mga Nasalanta sa Minami Sanriku-cho
■□----------□■
4. Tulong-pinansyal Para sa mga Nasalanta sa Minami Sanriku-cho
■□----------□■
Ang Taiwan Buddhist Funding Agency ay magbibigay ng tulong-pinansyal para sa mga taga-Minami Sanriku-cho na nabiktima ng nakaraang trahedya. Ang halaga na ipamimigay ay 3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kung may 2-3 kataong kasapi ng pamilya, at 7 lapad kung may 4 katao-pataas na kasapi ng pamilya.
- August 27 (Sabado) mula 9:00am hanggang 4:00pm, sa Heisei no Mori
- August 28 (Linggo) mula 9:00am hanggang 4:00pm, sa Bayside Arena
- August 29 (Lunes) mula 9:00am hanggang 12:00pm, sa assembly hall ng temporary housing sa Minamikata Aeon.
Maaaring magpunta sa lugar na malapit sa inyo upang makatanggap. Dahil sa direktang matatanggap mula sa organisasyong nabanggit, makakatanggap lamang sa itinakdang petsa, oras at lugar.
Mga Dapat Dalhin:
- Katunayan na nasalanta (risao shomeisho ng house holder, kahit copy lang)
- Bagay na magpapakilala sa tatanggap, tulad ng driver’s license o health insurance card
- Inkan (hanko)
Para sa mga katanungan, tumawag sa 03-3203-5651 (Taiwan Buddhist Funding Agency)
■□----------□■