12/07/2011

NEWS FLASH[Vol.46]Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet(コタツ、カーペットの配布)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.46]
■□----------□■
Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet
■□----------□■

Ang isang pribadong organizasyon ay magbibigay ng libreng kotatsu o
hot carpet para sa 5000 pamilyang naapektuhan ng March 11 disasters sa
Tohoku region. Ang mga gustong makatanggap nito ay
kailangang mag-apply at mag-fill-up ng application form, isulat ang
inyong pangalan, address, phone number at ang mga electric appliances
na naibigay sa inyo bilang relief goods. Iisa lamang ang maaaring
matanggap at kailangang pumili kung kotatsu o hot carpet ang nais
matanggap. Isama ang Risaishoumeisho (Disaster Victim Certificate) at
mag-apply sa pamamagitan ng koreo. Kahit hindi mapili sa 5000, may
ipamimigay na blanket para sa lahat ng aplikante. Maaring mag-download
ng application form sa sumusunod na
website.http://fumbaro.org/news/2011/12/5000.html
Ang application ay tatanggapin hanggang December 14, 2011.

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa 0570-06-4439
(Project Fumbaro Eastern Japan)
■□----------□■