■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.29]
■□----------□■
Filipino Consultation Towards Restoration
■□----------□■
Ang SAGIP Migrante-Japan ay malugod kayong inaanyayahan sa gaganaping
konsultasyon ng mga Pilipino hinggil sa pangyayari ng nakaraang
kalamidad sa Tohoku Region. Ito po ay gaganapin sa September 24
(10:00am-4:30pm) sa Furumachi Goku Jichi Kaikan (malapit sa Kesennuma
Station). Maaari po nating iparating ang ating mga problema at hinaing
sa representante ng pamahalaan mula sa prefectural office, malaman ang
plano ng local government sa usapin ng pamumuhay, trabaho, tirahan,
atbp. Pagkakataon din nating malaman ang mga programa ng mga NGO na
maaaring makatulong sa atin, at makahalubilo ang mga kababayan nating
galing sa ibang rehiyon dito sa Japan.
Para po sa detalye, makipag-ugnayan o tumawag sa 090-9224-0922 o kaya
kay Rachelle Takahashi ng Kesennuma 090-7932-3741.
Maraming salamat po, at magkita-kita po tayo.
■□----------□■