■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.47]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal Para sa Pansamantalang Paglipat (Fukushima Pref)
■□----------□■
Ang isang foundation na tinatawag na HIGASHI NIHON DAISHINSAI FUKKO SHIEN ZAIDAN (東日本大震災復興支援財団) ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang pansamantalang lumipat o lilipat sa labas ng Fukushima prefecture dahil sa epekto ng radiation at sa mga iba pang concern.
Ang mga pamilyang mabibigyan ng tulong-pinansyal ay ang mga may anak na nag-aaral sa kolehiyo at pababa, o nagdadalang-tao, na nakalipat na o lilipat palang sa labas ng nasabing prefecture sa pagitan ng mula ika-24 ng Agosto ng 2011 hanggang ika-10 ng Abril ng taong 2012.
Mabibigyan pa rin kahit mag-ina lamang ang lilipat o lilikas.
Maaaring mabigyan ng hanggang 20 lapad kada pamilya upang makatulong sa pamasahe, panggastos sa paglipat, deposit sa lilipatan na tinatawag na "SHIKIKIN" at "REIKIN."
Ang mga interesado sa tulong na ito ay maaaring mag-aplay muna sa naturang foundation bago ika-15 ng Enero, taong 2012. Pagkatapos lumipat tsaka pa lamang hihiling ng tulong-pinansyal, kasama ang pag-susumite ng mga resibo ng nasabing paglipat.
Maaari ding mag-aplay ang mga pamilyang hindi nabigyan ng certification of disaster-victim o "RISAI SHOMEISHO."
Para sa karagdagang impormasyon, makipagugnayan sa 0120-975-053 (Free Dial)
■□----------□■