11/06/2011

NEWS FLASH[Vol.41]Pagbibigay ng GIENKIN Donation Para sa mga Nagsilang(妊産婦への義援金)


■□----------□■
SAGIP NEWS FLASH
[Vol.41]
■□----------□■
Pagbibigay ng
GIENKIN Donation
Para sa mga Nagsilang
■□----------□■

Nagpahayag ang Japanese Organization for International Cooperation in Family Planning (JOICFP) na ito ay magbibigay ng GIENKIN donation ng halagang 50,000 yen sa mga nanganak mula Marso hanggang Disyembre ng taong kasaukuyan. Dapat ay nasa Iwate, Miyagi o Fukushima ang kanilang residence registry noong panahon ng kalamidad o pinsala.

Kailangang mag-fill-up ng aplikasyon, na maaaring makuha sa JOICFP website o magpadala ng fax (03-3235-9776) upang humingi ng aplikasyon at pagkatapos nito ay ipadala sa JOICFPkasama ang 1) certification of disaster-victim, 2) residence certificate o alien registration certificate at 3) photocopy ng pahina ng proof of birth registration sa BOSHITECHO o maternity health record book. Ang aplikasyon ay tatanggapin hanggang Pebrero 29, 2012.
 
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa JOICFP:
Tel: 03-3268-3172 E-mail: kesho@joicfp.or.jp

■□----------□■