■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.14]
■□----------□■
Pag-uwi sa Pilipinas ng Walang Pasaporte
■□----------□■
Maaaring makauwi ng Pilipinas kahit walang pasaporte, gamit ang travel affidavit. Ang travel affidavit ay makukuha sa Philippine Embassy, at kailangan ng inyong birth certificate (kahit hindi authenticated) at picture passport size, para dito. Kapag nakakuha na ng travel affidavit, pumunta sa immigration office sa inyong lugar upang kumuha ng re-entry permit pabalik sa Japan. Dalhin ang inyong alien card. Kung walang re-entry permit, hindi makakapasok ng Japan. Dalhin ang inyong alien card kapag pumunta sa immigration office. Kung nawala ang alien card dahil sa mga sakuna, pumunta ng munisipyo o yakuba ng inyong lugar.

Bibigyan kayo sa immigration office ng isang booklet na nakalagay na “re-entry permit.” Kailangang ipakita ito sa airport sa paglabas at pagbalik dito sa Japan. Kahit nakakuha kayo ng pasaporte habang nanatili sa Pilipinas, kailangan pa rin nito sa pagbalik sa Japan. Kung may balak kayo ng umuwi sa pamamagitan ng travel affidavit, tiyakin ang detalyeng paraan nito sa immigration pagka kumuha ng re-entry permit.
■□----------□■