7/15/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.16] Pagpapautang o loan para sa mga panggastos sa pamumuhay(生活資金の融資)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.]
■□----------□■
Pagpapautang o loan para sa mga panggastos sa pamumuhay
■□----------□■
Loan for Disaster Support
SAIGAI ENJO SHIKIN KASHITSUKE
Kung namatay ang miyembro ng pamilya na pangunahing nagtatrabaho o nasira ang bahay o kasangkapan dahil sa nakaraang sakuna, maaaring mag-aplay ng loan na ito. Ang halaga ng maaaring hiramin ay hanggang 3,500,000 yen. Maaaring magsimulang ibalik ang pera pagkaraan ng anim na taon, o walong taon, kung mayroong dahilan. Ang takdang panahon ng pagbabalik ng loan ay labing tatlong taon. Para sa detalye, makipag-ugnayan kayo sa city hall o yakuba.

Life Restoration Support Loan
SEIKATSU-FUKKKO SHIEN SHIKIN KASHITSUKE
Ang maaaring mag-aplay ng loan na ito ay ang tinatawag na “low-income person” o mababa ang kinikita. Walang interest o maliit ang interest ng loan na ito. Maaaring magsimulang ibalik ang pera pagkaraan ng dalawang taon. Ang takdang panahon ng pagbabalik ay dalawampung taon.

Ang mga sumusunod ay ang kategoriya ng naturang loan:

For Temporary Livelihood Expenses
ICHIJI SEIKATSUKIN
Ang pinaka mataas na halaga na pwdeng hiramin: 200,000 yen
Maaaring makatanggap buwan-buwan ng halagang ito hanggang anim na buwan lamang.

For Livelihood Restoration
SEIKATSUSAIKENHI
Ang pinaka mataas na halagang pwedeng hiramin: 800,000 yen.

For House Repair:
JYUTAKU HOSYUU HI
Ang pinaka mataas na halaga na pwedeng hiramin:2,500,000 yen
Para sa detalye, makipag-ugnayan kayo sa Social Welfare Council sa inyong lugar.

■□----------□■