7/28/2011

SAGIP NEWS FLASH [Vol.17]Pag-aayos sa Legal na Pamamaraan Hinggil sa Utang (借金を含む相続の放棄)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.17]
■□----------□■
Pag-aayos sa Legal na Pamamaraan Hinggil sa Utang
■□----------□■

Kung namatay ang kasapi ng inyong pamilya at mayroong siyang malaking halagang utang, ayusin nyo lamang po sa isang legal na pamamaraan na tinatawag na "SOZOKU-HOUKI" o "Abandonment of loan" sa korte upang hindi nyo na kailangang bayaran ang utang na naiwan ng pamilya ninyo. Dito sa Japan, ang utang na naiwan ng isang namatay ay maaaring ipamana sa kanyang pamilya, pati na rin ang kanyang naiwang kayamanan. Kaya kung naisagawa ninyo ang "SOZOKU-HOUKI", hindi na kailangang magbayad ng utang, ngunit hindi narin maaaring tanggapin ang kayamanan na naiwan ng namatay. Ang pag-aayos ng ”SOZOKU-HOUKI" ay pinahaba hanggang ika-30 ng Nobyembre.

Para sa detalye, makipag -ugnayan kayo sa Houterasu Support Dial.
0570-078374