7/31/2011

May Perang Ipamimigay(気仙沼限定の義援金配布)

Para sa mga Naninirahan sa Kesennuma City,
Mayroong ipamimigay na pera para sa mga nasiraan o nawalan ng bahay (lamang), dulot ng lindol at tsunami noong nakaraang March 11, ito ay mula sa Taiwan Buddhist Funding agency. Ang halaga na ipamimigay ay, 3 lapad kung nag-iisa, 5 lapad kapag may 2-3 kataong kasapi ng pamilya, at 7 lapad kung may kasapi ng pamilya na 4 katao-pataas. Ito ay mula ngayong araw hanggang sa Linggo lamang. Ang lugar at schedules ng pamimigay ay ang mga sumusunod.

7/29/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.18] Health Check-up para sa mga residente ng Fukushima Prefecture(福島県民の検査)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 18]
■□----------□■
Health Check-up para sa mga residente ng Fukushima Prefecture
■□----------□■
Ang Fukushima Prefecture ay magsasagawa ng Health Check-up hinggil sa epekto ng radiation para sa lahat ng residente ng Fukushima Prefecture, kabilang ang dating nakatira sa Fukushima Prefecture noong ika-11 ng Marso at kasalukuyang naninirahan sa ibang prefecture na dating nakatira sa Fukushima Prefecture noong ika-11 ng Marso. Magsisimula ang Health Check-up at ipapadala sa inyo ang palatanungan o medical interview sheet (MONSHINHYO) sa mga nabanggit na residente.
Para sa detalye, makipag-ugnayan kayo sa Fukushima Disaster Headquarters (FUKUSHIMA-KEN SAIGAI TAISAKU HONBU) sa numerong 024-521-8028.

■□----------□■

7/28/2011

SAGIP NEWS FLASH [Vol.17]Pag-aayos sa Legal na Pamamaraan Hinggil sa Utang (借金を含む相続の放棄)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.17]
■□----------□■
Pag-aayos sa Legal na Pamamaraan Hinggil sa Utang
■□----------□■

Kung namatay ang kasapi ng inyong pamilya at mayroong siyang malaking halagang utang, ayusin nyo lamang po sa isang legal na pamamaraan na tinatawag na "SOZOKU-HOUKI" o "Abandonment of loan" sa korte upang hindi nyo na kailangang bayaran ang utang na naiwan ng pamilya ninyo. Dito sa Japan, ang utang na naiwan ng isang namatay ay maaaring ipamana sa kanyang pamilya, pati na rin ang kanyang naiwang kayamanan. Kaya kung naisagawa ninyo ang "SOZOKU-HOUKI", hindi na kailangang magbayad ng utang, ngunit hindi narin maaaring tanggapin ang kayamanan na naiwan ng namatay. Ang pag-aayos ng ”SOZOKU-HOUKI" ay pinahaba hanggang ika-30 ng Nobyembre.

Para sa detalye, makipag -ugnayan kayo sa Houterasu Support Dial.
0570-078374

7/25/2011

救援活動報告

当団体の救援活動に同行した京都大学の安里和光さんが、当団体の活動記録とともに、フィリピン人や外国人被災者に関する論文を寄稿下さいました。



7/15/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.16] Pagpapautang o loan para sa mga panggastos sa pamumuhay(生活資金の融資)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.]
■□----------□■
Pagpapautang o loan para sa mga panggastos sa pamumuhay
■□----------□■
Loan for Disaster Support
SAIGAI ENJO SHIKIN KASHITSUKE

7/06/2011

SAGIP NEWS FLASH[Vol.15] Ukol sa Panahon na maaaring tumira sa KASETSU-JYUTAKU(仮設住宅)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.15]
■□----------□■
Ukol sa Panahon na maaaring
tumira sa KASETSU-JYUTAKU
■□----------□■
Ang takdang panahon na maaaring tumira sa KASETSU- JYUTAKU o pabahay ng goberyno para sa mga biktima ng nakaraang sakuna ay hanggang dalawang taon lamang. Ngunit, maaaring magpa-extend kung papayagan ng gobyerno tulad ng prefectural office. Taun-taon ay kailangan ng permiso ng gobyeno pagkaraan ng dalawang taon. Halimbawa, noong Hanshin Great Earthquake, limang taon ang nakalipas bago naka-alis ang lahat ng nakatira sa KASETSU-JYUTAKU.
■□----------□■

7/02/2011

SAGIP NEWS FLASH [Vol.14]Pag-uwi sa Pilipinas ng Walang Pasaporte (パスポートの紛失)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.
14]
■□----------□■
Pag-uwi sa Pilipinas ng Walang Pasaporte
■□----------□■
Maaaring makauwi ng Pilipinas kahit walang pasaporte, gamit ang travel affidavit. Ang travel affidavit ay makukuha sa Philippine Embassy, at kailangan ng inyong birth certificate (kahit hindi authenticated) at picture passport size, para dito. Kapag nakakuha na ng travel affidavit, pumunta sa immigration office sa inyong lugar upang kumuha ng re-entry permit pabalik sa Japan. Dalhin ang inyong alien card. Kung walang re-entry permit, hindi makakapasok ng Japan. Dalhin ang inyong alien card kapag pumunta sa immigration office. Kung nawala ang alien card dahil sa mga sakuna, pumunta ng munisipyo o yakuba ng inyong lugar.

Bibigyan kayo sa immigration office ng isang booklet na nakalagay na “re-entry permit.” Kailangang ipakita ito sa airport sa paglabas at pagbalik dito sa Japan. Kahit nakakuha kayo ng pasaporte habang nanatili sa Pilipinas, kailangan pa rin nito sa pagbalik sa Japan. Kung may balak kayo ng umuwi sa pamamagitan ng travel affidavit, tiyakin ang detalyeng paraan nito sa immigration pagka kumuha ng re-entry permit.



■□----------□■