12/27/2011

NEWS FLASH[Vol. 48]Konsultasyon Ukol sa mga Problema sa Stress, Kalooban o DV(心の相談、DV相談)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol. 48]
■□----------□■
Konsultasyon Ukol sa
mga Problema sa Stress,
Kalooban o DV
■□----------□■
Maaari kayong kumonsulta ukol sa stress dahil sa sakuna, mga problema sa kalooban o DV.

Iwate Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa mga Stress sa Sakuna
019-629-9617(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Pag-aalaga ng Kalooban ng mga Babae -Hotline IWATE
(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-240-261(Araw-araw 10:00-17:00)(Toll-free)

Miyagi Prefecture
・Konsultasyon ng Kalusugan sa Kalooban
0229-23-0302(Mon-Fri 9:00-17:00)
・Konsultasyon ng Kalooban -Hotline MIYAGI(Konsultasyon para sa kababaihan)
0120-933-887(Mon-Fri 8:30-16:45)(Toll-free)

Sendai City
・Konsultasyon sa Telepono "Heart Line"
022-265-2229(Mon-Fri 10:00-12:00、13:00-16:00)
・Konsultasyon sa Telepono sa Gabi
022-217-2279(Araw-araw 18:00-22:00)

Fukushima Prefecture
・Konsultaryon ng Kalusugan sa Kalooban
0570-064-556(Mon-Fri 9:00-17:00)

Konsultasyon ng DV
0570-0-55210
Tawagan ninyo at kayo'y bibigyan ng mga impormasyon ng pinakamalapit na opisinang napili mula sa mga 900 lugar sa buong bansa para sa konsultasyon gamit ang automated voice ng 24 oras. Ikokonekta sa opisina na iyun ang inyong pagtawag kung inyong nanaisin.
■□----------□■

12/19/2011

NEWS FLASH[Vol.47]Tulong-Pinansyal Para sa Pansamantalang Paglipat (Fukushima Pref)(一時避難への助成:福島)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.47]
■□----------□■
Tulong-Pinansyal Para sa Pansamantalang Paglipat (Fukushima Pref)
■□----------□■
 
Ang isang foundation na tinatawag na HIGASHI NIHON DAISHINSAI FUKKO SHIEN ZAIDAN (東日本大震災復興支援財団) ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang pansamantalang lumipat o lilipat sa labas ng Fukushima prefecture dahil sa epekto ng radiation at sa mga iba pang concern.

Ang mga pamilyang mabibigyan ng tulong-pinansyal ay ang mga may anak na nag-aaral sa kolehiyo at pababa, o nagdadalang-tao, na nakalipat na o lilipat palang sa labas ng nasabing prefecture sa pagitan ng mula ika-24 ng Agosto ng 2011 hanggang ika-10 ng Abril ng taong 2012.

Mabibigyan pa rin kahit mag-ina lamang ang lilipat o lilikas.

Maaaring mabigyan ng hanggang 20 lapad kada pamilya upang makatulong sa pamasahe, panggastos sa paglipat, deposit sa lilipatan na tinatawag na "SHIKIKIN" at "REIKIN."

Ang mga interesado sa tulong na ito ay maaaring mag-aplay muna sa naturang foundation bago ika-15 ng Enero, taong 2012. Pagkatapos lumipat tsaka pa lamang hihiling ng tulong-pinansyal, kasama ang pag-susumite ng mga resibo ng nasabing paglipat.

Maaari ding mag-aplay ang mga pamilyang hindi nabigyan ng certification of disaster-victim o "RISAI SHOMEISHO."

Para sa karagdagang impormasyon, makipagugnayan sa 0120-975-053 (Free Dial)

■□----------□■

12/07/2011

NEWS FLASH[Vol.46]Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet(コタツ、カーペットの配布)

■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.46]
■□----------□■
Mamimigay ng Kotatsu (Japanese style heater) o Hot Carpet
■□----------□■

Ang isang pribadong organizasyon ay magbibigay ng libreng kotatsu o
hot carpet para sa 5000 pamilyang naapektuhan ng March 11 disasters sa
Tohoku region. Ang mga gustong makatanggap nito ay
kailangang mag-apply at mag-fill-up ng application form, isulat ang
inyong pangalan, address, phone number at ang mga electric appliances
na naibigay sa inyo bilang relief goods. Iisa lamang ang maaaring
matanggap at kailangang pumili kung kotatsu o hot carpet ang nais
matanggap. Isama ang Risaishoumeisho (Disaster Victim Certificate) at
mag-apply sa pamamagitan ng koreo. Kahit hindi mapili sa 5000, may
ipamimigay na blanket para sa lahat ng aplikante. Maaring mag-download
ng application form sa sumusunod na
website.http://fumbaro.org/news/2011/12/5000.html
Ang application ay tatanggapin hanggang December 14, 2011.

Para sa karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan sa 0570-06-4439
(Project Fumbaro Eastern Japan)
■□----------□■

12/02/2011

Filipino Consultation Towards Restoration in fukushima

The venue for this consultation in Fukushima is changed, and it will be held in, IIzaka Gakushu Center-Fukushima-shi, IIzaka machi, Ginnan Aza 6-11.
会場が変更となりましたので、ご注意ください。

飯坂学習センター
 ■所在地
  〒960-0201 福島市飯坂町字銀杏6番地の11
 ■連絡先
  電話:024-542-2122
 ■交通
  福島交通飯坂線:「花水坂駅」より徒歩3分