3/21/2012

NEWS FLASH[Vol.55](原発事故損害賠償)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.55]
■□----------□■
Kabayaran o Compensation
para sa Pinsala na may Kinalaman
sa Voluntary Evacuation, atbp.
■□----------□■

Bilang kompensasyon dahil sa pagsabog ng plantang nukleyar, ang TEPCO ay magbabayad ng walong lapad sa lahat ng residenteng naninirahan mula noong March 11 ng nakaraang taon, sa 23 munisipalidad ng Fukushima Prefecture, tulad ng Lungsod ng Fukushima, Nihonmatsu, Koriyama, Date, atbp,.

Para naman sa mga buntis o may anak na 18-taong gulang pababa, mula noong March 11 hanggang sa pagitan ng katapusan ng nakaraang taon, babayaran sila ng 40 lapad, at karagdagang 20 lapad para sa mga nagsilikas na buntis at mga bata ng mahigit isang araw, suma total na 60 lapad. At kung higit pa ang ginastos sa aktwal na paglikas, maaari itong madagdagan batay sa indibidwal na pagsisiyasat.

Magsisimula ang aplikasyon kapag ipinadala ang mga kailangang dokumento sa mga maaaring makatanggap batay sa data ng lokal na pamahalaan, mula March 5. Maaaring tumagal ng 3 linggo ang nasabing bayaran.

Para sa mga katanungan, tumawag sa 0120-993-724 (TEPCO Consultation Services for Financial Compensation)

■□----------□■

3/17/2012

NEWS FLASH[Vol.54]Libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal(病院での窓口負担免除)


■□----------□■
SAGIP
NEWS FLASH
[Vol.54]
■□----------□■
Libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal
■□----------□■
Magbibigay ng ekstensyon sa libreng bayad sa hospital at iba pang pasilidad pang-medikal para sa mga nasalanta ng Tohoku earthquake, tsunami at Fukushima nuclear powerplant accident. Para sa mga nakatira sa nasalantang lugar ng lindol at tsunami ay libre ang pagpapagamot sa alinmang pasilidad pang-medikal hanggang September.30.

Para sa mga nakatira sa nuclear evacuation zone naman ay hanggang sa February 28 ng 2013.
Ang mga umalis sa mga nasabing lugar at lumipat para lumikas pagkatapos ng sakuna ay makakatanggap din ng nasabing exemption.
 
■□----------□■

3/03/2012